Parang word of mouth lang yang aid na yan. Kasi need pa ipasa yan ng congress ng US para ma aprubahan. Hindi naman lahat ng congresista doon ay pabor sa mga ganitong aid solutions maliban nalang talaga kung may direct resolution galing sa white house. Itong nakaraang carina nga walang mga aid galing sa mga kano na ang sabi nila ay yung mga base nila dito sa bansa natin ay para sa mga relief efforts.
possible. pero kung nagbigay sila ng Billions dun sa Ukraine na tipong hindi naman talaga banta sa US dito pa kaya ng tinuturing nilang banta sa kanilang hegemony ang China. ang sabi pa ng mga talagang geopolitics, China talaga ang tunay na enemy nila at side hustle lang itong Russia at Iran.
~
impossibleng walang involvement and US sa ganito. kung noon gumawa lang nila ng QUAD para sa trade war nila sa China, ngayon gusto na ata nilang gumawa na NATO version sa Asia.
Alam ko nagkaroon na dati ng NATO ng Asia at SEATO ata tawag nila dati. Nabuwag na yan pero tama nga na may panibagong interest dahil gusto nila makisawsaw sa proxy war ng US at China.
makaraan lang napabalitang United States to provide $500 million in military aid to Philippines. ewan ko lang kung totoo pero kahit sa ibang news channel featured itong news na ito.
Ah nabalita na dati pa yan. Eto yung tuwang-tuwa yung mga panatiko pero kung tutuusin ay napakaliit pala nyan kumpara sa Taiwan (considering na may mga base pa sila sa Pinas).
palapit ng ng palapit ang araw sasabog na lang bigla ito. dahil sa ibaang bansa puro gera na. dito na lang sa far east ang bombahan.
sa tingin ko itong mga oil spill at tigil pasada ay magpapagulo sa Pilipinas soon. hindi makakapangisda ang mga fishing community at isisi yan sa China dahil hindi makakarating ang maangingisda dun sa shoal.
Medyo nagbago ihip ng hangin pagkatapos nung failed assassination kay Trump at yung pag-step down ni Biden. After kasi nyan ay nakipagpulong na yung DFA Sec ng Pinas sa representative ng China tungkol sa resupply mission sa Ayungin. Maganda naman na may de-escalation attempts na after months ng heightened tensions pero coincidence lang kaya?
always coincidence naman ang mga ganito. every time na sasalungat si BBM sa US ay may oil spill na mangyayari. of course conspiracy theory naman ang mga ganito.

hindi nila lalakihan like Billions yan baka ibulsa lang ni BBM yan habang may posibilidad pa na babaligtad sya.
pero sabay-sabay ata ang pangyayari ang kaguluhan sa mundong ibabaw

south amerika (venezuela), UK violent protest, Israel-Iran, Ukraine-Russia at dito na lang sa far east talaga ang walang kaguluhan. wag naman sanang mangyari pero nakikita na kasi posibleng mangyari dahil sa mga drills nila.