Yeah malaki posibilidad babagsak ang presyo kapag nagsibentahan yung mga nakatanggap ng BTC galing sa Mt. Gox ang laki pa naman ng value. Pero sa tingin kaya pa rin yun saluhin ng mga malalaking buyers natin kung gustuhin nila kaya lang basta mga ganitong balita ay sinasabayan talaga nila eh. Kaya kung may natira pa tayong pera para makapagdagdag ng investment, meron paring pagkakataon na makapagbili sa mababang halaga.
May bibili at bibili sa mga ibebentang bitcoins ng mga makakatanggap ng refund nila kay mtgox. At ang maganda diyan ay pagkatapos niyan parang wala ng balakid ulit sa pricing dahil mataas na ulit ang magiging presyo niyan dahil mawawala ang selling pressure, kaya sa mga nag aabang kung ano ang next move nila, simulan niyo na kung mag accumulate ba kayo ulit o hindi.
Tama ka dyan, kahit sabihin natin na magkakaroon ng dump dahil sa Mt. Gox repayment, tingin ko maraming nag aabang parin kaya siguro sa ngayon kahit may mga bentahan na sila, nasa $65k parin tayo.
O kung talagang bumulusok pababa, sarap mamili kung marami kang pera na naka abang sa mga ganitong pagkakataon, so win win parin ika nga. At baka ma offset nga rin to ni Trump pag nanalo to bilang US president. O kaya pag salita pa lang nya sa Bitcoin conference next week yata yun kung hindi ako nagkakamali.