Tama ka kabayan, parang naglalaro lang siya sa $55k-$60k range, pabalik-balik lang ata to. Kung may extra lang sana akong pera ay sarap laruin to sa "long and short" kasi pabalik-balik eh. Di talaga ma-break yong $65k na resistance pero gaya ng sinabi ay baka sa pasko bubulosok na to pataas.
Iwas ako sa futireat ganyang laruan pero tam ka diyan, dami kong nakikita na mahuhusay sa futures at sabay na sabay sa pag ling at short.
Range trading ang tawag sa ganyang paraan ng pagtitrading ngunit kapag nagrarange ang market o nagcoconsolidate, kadalasang mangyayari ay hindi muna magtitrade ang karamihang traders lalo na yung hindi masyadong maalam sa range trading kasi kadalasan talaga ay matatalo ka dito, at isa na ako dun. Pinakamaganda kasing gawin dyan ay magscalp lang talaga. Pinakamaganda magtrade is yung trending market, sasabayan mo lang kung ano ang trend tas yun na ang bias mo.
Depende talaga kabayan kung saan ka mas sanay. Tulad mo, may alam sa technical analysis kaya mas makakatulong yun sayo. Sa mga nagsisimula naman at hindi din naman masyadong nagte-trade. Asa lang sa fundamentals at sa hulalysis. 
Pero kung anoman ang technique na mas nakakatulong sayo para mas kumita sa market na ito, tuloy tuloy mo lang. At sa mga holders naman, wala ng effort kundi yung mental toughness nalang at pagiging pasensyoso sa market.
Hehehe, lol, hulalysis, pero siguro lahat tayo heto naman ang ginagawa at hindi naman tayo kasi technical. At katulad ng iba, wild and educated guesses din naman so tingin na lang tayo ng ibang analysis.
At kung mag banga to sa prediction natin eh so at least meron tayong titingnan na TA. Kaya lang yung ibang TA na nakikita ko eh parang short term lang talaga at syempre mahirap din minsan talagang mangyari at dahil napaka volatile ng market.
Baka sabihin ng iba na same lang yung technical analysis at hulalysis hehe, kasi maraming mga traders na nag-aanalyze sa market pero hindi tumutugma halos lahat ng mga ito o kaya hindi talaga marunong mag draw sa chart o naka-asa lang sa TA ng iba tas gagayahin nila. Pero magkaiba talaga ito kabayan kasi kung hulalysis hindi talaga ginagamitan ng TA yan kundi isip lamang at kung ano ang nararamdaman mo which napakababa talaga ng probabilidad na magkakatotoo.
- Sa ngayon bumaba na naman ng konti ang price ni Bitcoin sa merkado na kung titignan mo talaga ay parang hirap na hirap siya ngayon na mabasag yung support sa 60 000$ talaga, at dito sa puntong ito ay hindi malinawan ng husto yung dahilan kung bakit.
Hindi rin kasi ako gaanong updated sa mga balitang nangyayari sa crypto space, kaya medyo natalo ako sa futures trade now dahil nagnotified sa aking phone na fully filled yung SL ko, pero okay lang ganun talaga sa trading, kaya yang 100k it will happen naman yan, yun nga lang no one knows talaga.