Masasabi ko rin na mahigpit ang OKX kasi ganyan din nangyari sa kapatid ko, nireject ang kanyang National ID. Pero yung National ID ng isang kapatid ko pwede, yung sa isa lang talaga ang hindi maverify. Magkaiba yung design nila pero yun naman talaga kapag bagong National ID, akala siguro nila hindi totoong ID ang ginamit. Hindi ko rin naman makita sa kanila na mang-iiscam, kaya mas maganda may ibang ID ka kabayan.
Ang dami palang issue ni okx pagdating sa ganyan. Kaya madami din palang nagrereklamo tungkol sa kanila. Imbes na pagandahin pa nila service nila, mas nagfofocus sila sa marketing dahil marami akong nakikitang influencer na sponsored nila.
Oo kabayan, parang yan talaga ang issue kadalasan sa kanila, wala naman din akong nababalitaan na may issues sa mga balances nila. In terms of security, nagagandahan ako sa OKX kasi nilalagay nila sa cold wallets yung mga assets kaya mahirap i-hack kaya wala man lang tayong naririnig na balita na nahack ito sa ngayon. Yung Bybit kasi, mas nagustuhan ko yan kesa sa OKX kasi napakasmooth pero in terms of security mas maganda pala OKX.
Well, kanya-kanya lang talaga tayo ng mga nagugustuhan na mga exchange, tulad ng iba hindi naman ako gaanong nagamit ng okx ngayon, dahil ang madalas ko lang naman na gamitin na exchange so far ay Bingx, at Bitget, kasi medyo maganda yung platform sang-ayon sa experienced ko dito.
Yung bybit, medyo okay din naman siya sa akin at wala din naman akong naging problema pero for now talaga itong dalawang nabanggit ko ang most of the time na nagagamit ko pagdating sa trading at transactions.