Naoopen ko naman parehas sa website at sa app nila. Pero sa mga trades, hindi na ako nagtrade at nag pullout na ako ng funds doon matagal tagal na. Panalong panalo talaga ang mga local exchanges natin dahil ito ang gustong gusto nila na wala ng kalaban sa mga customers at doon nalang sila makakabawi dahil sobrang mahal din naman ng license nila.
Ako ay talagang nalilito dito sa ginawang aksyon ng ating gobyerno sa Binance kasi hanggang ngayon wala naman ako problema sa pag login sa site nila at sa kanilang app so parang announcement lang ang ginawa ata ng SEC pero walang corresponding ban na ginawa technically. At nakikita ko pa rin na marami pa ring P2P traders na active sa Binance. Sa madaling salita eh pwede pa ding magtransact using Binance sa mga Pinoy na nakabase dito sa Pilipinas mismo at ang Binance din ay wala naman silang notice na di na pwede tayo sa kanila. Dun naman sa usapin kung nakinabang ba ang coins.ph sa nangyari...oo maaari na may mga nagtransfer sa kanila pero di rin siguro ganun kalaki kasi nga may mga ibang foreign-based exchanges naman tulad ng Bybit, Bitget or Kucoin na pwede pa rin nating gamitin.
Oo tama ka dyan dude, nugn last week ata sinubukan kung maglog-in sa binance using their apps, at nagchange pa nga ako ng password, at nung maopen ko nirerequired ako na magsubmit ulit ng kyc at ginawa ko naman ulit at yun nasilip ko parin yung loob ng binance platform na katulad ng dati parin nung gumagamit ako ng website nila using desktop before.
Kaya lang sa ngayon ay ibang mga exchange na talaga yung ginagamit ko like bitget, Bingx, mexc, coinex at Bitmart paminsan-minsan, at minsan naman ay Dex tulad ng Stonfi, Jup, at iba pa.
Hanggang ngayon kabayan wala pa ring nagbago sa Binance app, ganon pa rin kagaya ng dati na malayo akong makakapag-interact sa kanilang ibat-ibang features. Hindi rin ako nag-KYC ulit dahil siguro wala namang nakikitang problema sa account. I feel safe na gamitin apps nila ngayon. Kaya lang yung domain nila, privacy error or not secure ang nakalagay, parang pwede naman sya makapag-procceed pero natatakot ako dahil baka may masamang mangyari sa account ko, at tsaka hindi ko rin talaga tinutuloy kapag ganon ang nakikita ko sa domain.
- Kapag ganun na nakita mo ng not secure ay huwag mo na talagang ituloy, parang may naalala tuloy ako na kung saan napanuod ko sa youtube na kung saan yung content creator may tinuturo siyang isang tutorial na kung saan tungkol din sa crypto ngayon makikita mo sa video nya na merong tutorial na kung saan may nakalagay na nga na unsecure ay sinasabi nya na iclick parin ang continue tungkol sa airdrops.
Nabwisit nga ako dun sabi ko sa comment huwag kayong maniniwala sa youtuber na yun dahil malalagay lang yung mga account nio sa alanganin, kasi nga nakita ko na unsecure o malalagay sa risk kapag tinuloy parin yung process.