- Sa panahon natin ngayon very rampant talaga ang online gambling dito sa bansa natin, at lumaganap lang naman ang mga ito dahil sa mga walang kwentang mga influencers na madami talagang niloko at sinirang buhay ng mga kababayan natin na yayaman sila sa paglalaro ng sugal at panay kasi pakita ng pera na akala ng mga karamihan na mga makakapanuod ay maniniwalang easy money lang pala makakuha ng profit sa sugal.
Ito kasi yung mali na ginagawa ng mga influencers sa lokal natin, yung bang tinatakam nila sa pera, pero ang totoo ay hindi naman talaga sa halip kabaligtaran lang ang lahat talaga kapag naglaro kana ng sugal sa online.
Ang laki siguro na ibinigay ng mga online gambling companies na yan sa mga influencers kaya pumayag ang mga yon na i-advertise nila ang kanilang companies. Grabe na talaga yong mga sugal ngayon, nasa daliri mo na lang yong kapalaran natin dahin sa isang pindot ay maari tayong manalo or matalo na siyang babago sa ating buhay.
- Sa aking pagkakaalam lang naman, meron kasi akong kakilala na vlogger hindi na yun kilala o popular na youtuber, wala pa ngang 20k ang subscribers nun, parang nasa 12k mahigit lang na bilang nga subs lang isa sa mga inoperan daw yun ng isang ilegal gambling online na ang bayad sa kada uplod nya ng video na pinopromote nya ang gambling na yun ay meron siyang 5k na bayad sa ads.
Kung makasampu ka sa loob ng isang linggo ay meron kana agad na tumataginting na 50k, kaya isipin mo nalang kung paano pa kaya yung mga nasa 100k subs yung mga followers nila edi siguradong mas malaki ang offer dun sa mga yun.