Yan na talaga ang gobyerno nila, ang focus nila ay palawakin ang teritoryo nila. Alam nila na di tayo aggressive kaya sinasamantala nila yun dahil mahina lang din ang militar natin. Para sa akin, wala naman na tayong magagawa at pumayag nalang sa exploration na yan. Kesa naman wala tayong mapakinabangan diyan dahil tinutulak nila yan at gagawin lahat kaya provoking din ang ginagawa nila, mas mabuti nalang na makinabang tayo sa exploration diyan. Yun ay opinyon ko lang naman at magkakaiba tayo ng POV sa bagay na yan.
well ganun talaga ang mundo. everybody wants to rule the world ika nga. pero kung wala ang China jan sa Masinloc at Panatag shoal at ang US ang nanjan sa mga islang yan, malaman sira-sira na ang China at baka mukhang Afghanistan ang bansang yan.
alalahanin natin na nasa kanila pa ang Alas sa ngayon. darating din ang panahon na kaya natin pasabugin ang buong China. pero baka hindi sa lifetime natin. baka sa year 3034.
pero ngayon na nagkaganito na ang situwasyon na dinala na nga ng marcos ang US dito at ganyang ang nangyari sa gentleman's agreement. bakit pa magtitiwala ang China sa governo ng Pilipinas kung hindi naman i-honor ng next administration? kaya baka mag-goodbye na rin tayo sa exploration na yan. dahil sosolohin nila yan.
Hindi ko iniisip yang tungkol sa pakikipagtunggali sa China, kasi kung sa history tayo babase ay mga business partners na sila ng mga ninuno natin. Ang kaibahan lang talaga ngayon ay mas lumakas sila dahil sa military powers nila at ayaw nila sa US pero politically naman ay nakikipagtrade ang bansang US at China at may mga trade deals din sila. Kaya di ko magets bakit kailangan mag away niyang dalawa na yan tapos tayo napapagitnaan pa nitong mga 'to e.
sa history, sino man yung loser sa gera ay talagang magiging loser until ang winner country ay ma-toppled out.
noong spanish pa ang super power, sinakop rin tayo at ang yaman natin, ginto ng mga chieftans, ginawa tayong catoliko at kahit yung alibata natin ay tinangal sa ating isipan ng mga spanish for more than 300 years. because a country with no history means wala ring patutunguhan.
ganyan ang mindset ng mga mananakop ng bansa. resources tayo para sa kanila. pwede nilang patirahin mga tao nila dito ng di kailangan ng visa.
wala namang pinag-iba ito sa panahon ngayon. nangyayari nga lang behind close doors. kita mo sa balita na bumisita si Blinken at Janet Yellen sa China at ang sinasabi nya sa
China ay magdahan-dahan kayo sa pagmanufacture ng products kasi overcapacity kayo eh/ hindi kami makahabol. tapos si US secretary blinken naman pupunta sa china at
magrerequest na maging fair naman daw sila sa companies ng amerika.pero ang mga ito ay hindi fair sa Chinese companies. pinaalis pa nga nila sa US ang mga companya ng China kaya nagsilipitan sa Mexico. pero matagal na itong trade war nila before Trump meron na silang ganito.
Ganito yan. kasi naman kapag yumaman ang bansa gaya ng China, lalawak rin ang influence nila lalo pa na nagpapautang sila. may choice na ngayon ang ibang bansa kung sino pa uutangan nila maliban sa IMF.
sa usapang security naman, meron naring nuclear power ang China at Russia. ang mga bansang may pangangailangan ng seguridad gaya ng Saudi hindi lang US ang pwedeng hingan ng tulung, pwede na rin nilang hingan ng tulong ang Russia or China.
agawan na ng influence ang mga ito. hangang gera na patutunguhan nito.