Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: bitterguy28 on March 22, 2025, 02:15:24 PM

Title: kakaibang method ng advertisement
Post by: bitterguy28 on March 22, 2025, 02:15:24 PM
madalas natin pagusapan ang mga advertisements online ng mga iba't ibang platforms lalo na yung mga gaming platforms na may pangako ng kita pero narinig nyo na ba yung method kung saan may mga tao na pumupunta sa bahay bahay at inaaya ang mga tao na magregister sa isang laro kung saan maaari silang manalo ang isang halimbawa nito ay ang mga online bingo

under pagcor naman ang laro sa pagkakarinig ko kaya sa tingin ko naman ay walang illegal dito pero interesting lang ang ganitong klase ng pagaanyaya kadalasang tinatarget dito ay mga mahihirap na baranggay dahil bukod sa hindi naman makakapasok ang mga tao na to sa subdivisions at villages, madali ring makuha ang loob ng mga hindi masyadong mayayaman

nakaranas ka na ba ng ganto?
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: Mr. Magkaisa on March 22, 2025, 02:38:25 PM

          -      Pinapasok nila mga mahihirap na barangay? o baka kaya mahihirap ang pinapasukan nilang brgy. ay dahil sa mas madaming mga mahihirap ang madaling mauto dahil inosente pagdating sa mga investment na katulad nyan.

Diba kadalasan na binibiktma lagi yung mga mahihirap na tao? Kasi diba kadalasan karamihan na mga mahihirap gusto nila yung mga paraan na madali silang makakuha ng profit in a short period of time? Dahil yung mga tao sa subdivision alam nilang hindi ito mapapaniwala agad sa mga ganitong mga advertisement.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: 0t3p0t on March 22, 2025, 03:51:29 PM
So far di ko pa naririnig ito dito sa amin kabayan saka yung mga nakikita ko lang na dumadagsa dito ay yung mga special offer na minsan may modus din kasi para hinoholdap na yung mga aalukin dahil sa sapilitan na estilo ng pagbebenta ng mga items. Pero yang about sugal di ko pa yan naencounter at sana di mabiktima yung mga kapamipya ko dyan.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: PX-Z on March 22, 2025, 05:03:00 PM
Hindi na bago ang ganitong way of marketing and sales, well, im thinking about in general na sales. As for marketing about gambling/app site, i must call it as an aggressive at desperate. Unless mag bibigay sila ng balance para makapag laro ng libre.

Pero parang considered as unlawful ito na way ng ad campaign lalo na pag wala silang permit from DTI.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: jeraldskie11 on March 22, 2025, 05:13:56 PM
Hindi ko rin naranasan yan kabayan, siguro bago lang yan. Pero isipin mo, bingo yung ituturo nila, kung hindi ako nagkakamali isa ito uri ng sugal. Pwede na pala yung ganyan na ibahay-bahay nila ang pagtuturo ng sugal? Naniniwala naman na pasugalan na inaallowed pero hindi ko inasahan okay lang pala ganyang klase ng pag-aadvertise. Siguro bago palang yan kabayan, at sa tingin medyo magastos yan kasi babayaran mo yung mga tao na pumupunta sa mga bahay.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: bhadz on March 22, 2025, 10:41:14 PM
Kung sa sugal, hindi pa. Pero old method na yang ganyang uri ng advertisement at madali lang makaengganyo ng ganyan kung magaling magsalita yung promoter. Tama ka sa mga areas na mahihirap, madali lang makaengganyo din ng mga gustong magsugal para sa kanila. Pero kung ako ay isang app at gusto ko mas madaming reach, mas madali na ngayon mag advertise online kumpara sa bahay bahay.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: Baofeng on March 23, 2025, 11:32:12 AM
Hindi ko pa naririnig tong method na to na mang aya ng manunugal, kasi naman hindi naman na yata kailangan ng ganitong aggressive move kasi nga dami naman lulong na Pinoy sa gambling. Mapa scatter, laro sa bingo plus at online sabong.

Pero siguro talagang gusto nila ng ibang style so wala naman sigurong problema. At obvious na parang affiliate to, kung sino ma pa sign nila, under sa name nila so parang networking din hehehe.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: 0t3p0t on March 23, 2025, 02:00:05 PM
Kung sa sugal, hindi pa. Pero old method na yang ganyang uri ng advertisement at madali lang makaengganyo ng ganyan kung magaling magsalita yung promoter. Tama ka sa mga areas na mahihirap, madali lang makaengganyo din ng mga gustong magsugal para sa kanila. Pero kung ako ay isang app at gusto ko mas madaming reach, mas madali na ngayon mag advertise online kumpara sa bahay bahay.
Totoo kabayan kumbaga laway puhunan dyan which is kailangan talaga ng magaling ka sa sales talk para makapangengganyo ng posibleng downline if affiliate nga yan. Pero tama ka mas madali na ngayon dahil sa social media at siguro kaya bahay bahay kasi target nila yung hindi updated sa mga bagay-bagay  dahil kadalasan madaling mauto.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: Mr. Magkaisa on March 23, 2025, 03:15:49 PM

     -     Parang kawawa naman yung mga taong hindi updated sa mga bagay-bagay, yung bang tipong parang ang main target nila ay yung mga inosente at mga walang alam talaga para mabiktima nila ganun ba yung ibig mong sabihin mate?

Though naranasan ko naman na maglaro ng bingo nga lang pisikal na laro at hindi ko pa nasubukan yung bingo online, kahit na may nakikita akong bingo sa gcash kapag nagloload ako sa aking mobile number.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: bhadz on March 23, 2025, 09:03:37 PM
Kung sa sugal, hindi pa. Pero old method na yang ganyang uri ng advertisement at madali lang makaengganyo ng ganyan kung magaling magsalita yung promoter. Tama ka sa mga areas na mahihirap, madali lang makaengganyo din ng mga gustong magsugal para sa kanila. Pero kung ako ay isang app at gusto ko mas madaming reach, mas madali na ngayon mag advertise online kumpara sa bahay bahay.
Totoo kabayan kumbaga laway puhunan dyan which is kailangan talaga ng magaling ka sa sales talk para makapangengganyo ng posibleng downline if affiliate nga yan. Pero tama ka mas madali na ngayon dahil sa social media at siguro kaya bahay bahay kasi target nila yung hindi updated sa mga bagay-bagay  dahil kadalasan madaling mauto.
Oo nga, kapag makita at maunawaan nila na hindi pa updated yung kausap nila, baka yun na yung sign sa kanila. Kaya mas madali lang din sila siguro makahikayat kung walang alam pa. Mas madali pa makuha ang loob ng tao kapag kausap dahil doon din mahihikayat kapag mahusay din magsalita yung nagpapaliwanag. Pero sa panahon ngayon, ang dami na din kasing mga krimen kaya mahirap na din pagbuksan ng pinto itong mga ito.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: electronicash on March 23, 2025, 09:41:05 PM

hindi nila kaya ang kompetensya nila na scatter kaya nagbahay bahay.  kung nag bonus sila sa every new user baka makahabol pa sila.
masyado atang garapal ang advertising na ito. daig pa ang namimigay ng ayuda para sa boto.

parang kukuha ata sila ng permit para may coordination sila sa LGU pag ganyan gagawin nila. kapag natunugan ng mga authoridad yan baka investigahan pa sila dahil sinabay pa nila sa eleksyon time.

Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: robelneo on March 23, 2025, 10:27:43 PM
Yan ata yung Bingo Plus pero I doubt kun gmeron sila ganito klaseng campaign na bahay bahay, malamang ito ay personal o group initiative, pero syempre may kasama ito affiliate link para sa bawat laro ng kanilang recruit ay meron sila porsyento.
Hindi lang natin alam kung pinapayagan ito ng Bingoplus management kasi aminin natin tulad ng online sabong nakakaadik din itong online bingo.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: Mr. Magkaisa on March 24, 2025, 03:24:34 PM

hindi nila kaya ang kompetensya nila na scatter kaya nagbahay bahay.  kung nag bonus sila sa every new user baka makahabol pa sila.
masyado atang garapal ang advertising na ito. daig pa ang namimigay ng ayuda para sa boto.

parang kukuha ata sila ng permit para may coordination sila sa LGU pag ganyan gagawin nila. kapag natunugan ng mga authoridad yan baka investigahan pa sila dahil sinabay pa nila sa eleksyon time.

          -       Pwede, meron kang punto sa sinabi mo na yan, lahat nga ata ng mga bingo online games ay walang pa welcome bonus sa mga target new users nila,
kaya malamang isa ito sa dahilan kung bakit hindi sila gaanong mapapansin ng mga tao.

Sa scatter kasi meron silang ganung pa welcome bonus, yung iba kasi ang laki ng pa welcome bonus nila kahit maliit lang yung fund na idedeposito mo sa scatter na pagsusugalan mo online, kaya siguro din napag-iwanan din ang bingo games online.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: bitterguy28 on March 25, 2025, 05:23:40 AM
So far di ko pa naririnig ito dito sa amin kabayan saka yung mga nakikita ko lang na dumadagsa dito ay yung mga special offer na minsan may modus din kasi para hinoholdap na yung mga aalukin dahil sa sapilitan na estilo ng pagbebenta ng mga items.
madalas nga ng mga modus ay may binebenta sila o kaya nanghihingi ng donations madalas rin natin makita to sa mga malls may mga nagbebenta ng ballpen o notebook o ano pa man tapos bigla na lang mga magnanakaw pala kaya ingat ingat sa mga ganitong nagaalok ng mga paninda
Quote
Pero yang about sugal di ko pa yan naencounter at sana di mabiktima yung mga kapamipya ko dyan.
sana nga kaya binahagi ko na rin para alam ng lahat
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: TomPluz on March 25, 2025, 05:52:57 AM

Di na lang pala online advertising ang ginagawa ng mga gambling platforms na to...pati bahay-bahay ay pumupunta na sila para manghikayat sa mga tao na magsugal at malulong sa isang bisyo na sigurado ikakapahamak ng mga tao. Di ko maintidihan...ganito na ba kababa ang ating gobyerno at binigyan nila ng permiso ang ganitong pamamaraan? Highly regulated ang sugal sa ting bansa kaya alam ko na pati ang paraan sa pag-advertise ay dapat may approval galing sa PAGCOR. Isa ito sa mga dahilan kaya bagsak ang grado ang binibigay ko sa rehimeng Marcos....noon at ngayon eh parang gulo lang ang dala ng mga Marcos na parang mukhang pera lang ang alam. Tulang ng loading business, sigurado ako makikita na lang natin na ang mga gambling platforms ay gagamitin na rin nila ang mga small sari-sari stores sa promotional campaigns...watch out for that!
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: 0t3p0t on March 25, 2025, 05:09:11 PM

Hindi lang gambling ang malakas loob ngayon kabayan pati mga adik malakas na rin ang loob na bumalik pinopost ba naman sa social media yung mga kawalang hiyaan so sa tingin ko ganun din mangyayari dito sa mga pang-eengganyo ng sugal sa bahay-bahay at gagawa at gagawa yan sila paraan para makabiktima. I am not politics pero tingin ko need na ng admin ng Marcos na ifully ban ang gambling tapos yung droga tutukan din nila dahil magkasama yan na sisira sa bansa natin as anay. Di din ako agree dun sa napabalita na masasaktan daw yung funds if ifully ban ang gambling tapos wala silang paki sa mga nabibiktima same sa droga proteksyon para sa mga adik hayaan na mga biktima.
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: Mr. Magkaisa on March 25, 2025, 05:35:35 PM

Di na lang pala online advertising ang ginagawa ng mga gambling platforms na to...pati bahay-bahay ay pumupunta na sila para manghikayat sa mga tao na magsugal at malulong sa isang bisyo na sigurado ikakapahamak ng mga tao. Di ko maintidihan...ganito na ba kababa ang ating gobyerno at binigyan nila ng permiso ang ganitong pamamaraan? Highly regulated ang sugal sa ting bansa kaya alam ko na pati ang paraan sa pag-advertise ay dapat may approval galing sa PAGCOR. Isa ito sa mga dahilan kaya bagsak ang grado ang binibigay ko sa rehimeng Marcos....noon at ngayon eh parang gulo lang ang dala ng mga Marcos na parang mukhang pera lang ang alam. Tulang ng loading business, sigurado ako makikita na lang natin na ang mga gambling platforms ay gagamitin na rin nila ang mga small sari-sari stores sa promotional campaigns...watch out for that!

         -       Alam mo sa totoo lang sa hakbangin nilang yan napapaisip ako na isang desperate move yan, bakit yung advertisement ba na online hindi naba nagiging effective? diba ang dami ngang mga influencers ang nagpopromote ng mga online casino simula ng kapanahunan ni BBM na bangag sabi nila.

Saka ang napansin ko rin ngayon, napapadalas ang send nga mga casino sa mobile sim ko nga mga iba't-ibang casino na kesyo nanalo daw ako sa account nila na may kasamang link na halagang 5000, 1500, 500 at iba pa, at kadalasan ang daming tumatawag iba't-ibang number sa isang araw more than 30 almost unknown numbers tumatawag sa phone ko eh ugali ko na hindi sumagot dahil alam ko na mga scammer yun mga tumatawag, kaya binablock ko na agad yung number tapos delete, mas lalong dumami mga scammers sa panahon na ito ni BBm, ngayon ko talaga nakita na hindi maganda ang pamamalakad nya, wala siyang pakialam na masira buhay ng mga pinoy, maging adik, may mapatay, at iba pa, tapos pagsumagot parang laging sabog at wala sa hulog na pautal-utal pa lagi..
Title: Re: kakaibang method ng advertisement
Post by: electronicash on March 26, 2025, 09:43:51 PM

Di na lang pala online advertising ang ginagawa ng mga gambling platforms na to...pati bahay-bahay ay pumupunta na sila para manghikayat sa mga tao na magsugal at malulong sa isang bisyo na sigurado ikakapahamak ng mga tao. Di ko maintidihan...ganito na ba kababa ang ating gobyerno at binigyan nila ng permiso ang ganitong pamamaraan? Highly regulated ang sugal sa ting bansa kaya alam ko na pati ang paraan sa pag-advertise ay dapat may approval galing sa PAGCOR. Isa ito sa mga dahilan kaya bagsak ang grado ang binibigay ko sa rehimeng Marcos....noon at ngayon eh parang gulo lang ang dala ng mga Marcos na parang mukhang pera lang ang alam. Tulang ng loading business, sigurado ako makikita na lang natin na ang mga gambling platforms ay gagamitin na rin nila ang mga small sari-sari stores sa promotional campaigns...watch out for that!

meron pang bago ngayon na madali na lang mag-apply being lotto agent ngayon which is online lotto. matindi rin ito kapag lumaganap na. ang daling tumaya sa lotto kapag ang gcash natin ay maari ng gamiting para tumaya ng online lotto.

paparating na to. ang bilis maubusang ng pera mga Filipino kapag meron na neto.  kahit matatanda ay seryoso sa kanilang tayaan kahit swertres.