Di na lang pala online advertising ang ginagawa ng mga gambling platforms na to...pati bahay-bahay ay pumupunta na sila para manghikayat sa mga tao na magsugal at malulong sa isang bisyo na sigurado ikakapahamak ng mga tao. Di ko maintidihan...ganito na ba kababa ang ating gobyerno at binigyan nila ng permiso ang ganitong pamamaraan? Highly regulated ang sugal sa ting bansa kaya alam ko na pati ang paraan sa pag-advertise ay dapat may approval galing sa PAGCOR. Isa ito sa mga dahilan kaya bagsak ang grado ang binibigay ko sa rehimeng Marcos....noon at ngayon eh parang gulo lang ang dala ng mga Marcos na parang mukhang pera lang ang alam. Tulang ng loading business, sigurado ako makikita na lang natin na ang mga gambling platforms ay gagamitin na rin nila ang mga small sari-sari stores sa promotional campaigns...watch out for that!
- Alam mo sa totoo lang sa hakbangin nilang yan napapaisip ako na isang desperate move yan, bakit yung advertisement ba na online hindi naba nagiging effective? diba ang dami ngang mga influencers ang nagpopromote ng mga online casino simula ng kapanahunan ni BBM na bangag sabi nila.
Saka ang napansin ko rin ngayon, napapadalas ang send nga mga casino sa mobile sim ko nga mga iba't-ibang casino na kesyo nanalo daw ako sa account nila na may kasamang link na halagang 5000, 1500, 500 at iba pa, at kadalasan ang daming tumatawag iba't-ibang number sa isang araw more than 30 almost unknown numbers tumatawag sa phone ko eh ugali ko na hindi sumagot dahil alam ko na mga scammer yun mga tumatawag, kaya binablock ko na agad yung number tapos delete, mas lalong dumami mga scammers sa panahon na ito ni BBm, ngayon ko talaga nakita na hindi maganda ang pamamalakad nya, wala siyang pakialam na masira buhay ng mga pinoy, maging adik, may mapatay, at iba pa, tapos pagsumagot parang laging sabog at wala sa hulog na pautal-utal pa lagi..