Wow, this post was made more than two years ago at dalawang taon mahigit na pala yong invasion ng Russia sa Ukraine. Yong mga bali-balita na iniiwanan na si Putin ng kanyang mga kaalyado ay mukhang hindi totoo sapagkat patuloy pa rin naman na umuusad yong invasion nila at tingin ko pa nga ay maku-kubkob nila tong Ukraine balang araw kung walang tulong na maibigay yong allied forces sa kanila.
Posible talaga na mapunta sa kanila ang Ukraine at parang magiging special administrative region katulad ng sa China. Ang laki ng Russia at mayaman. Habang ang Ukraine naman ay ay may mga allies nga pero hindi habambuhay na susuportahan sila ng mga yan dahil may sari sarili silang interes sa giyera na yan. Grabe nga yang digmaan na yan, iniisip ko pa lalo noong unang panahon. Kung ito umabot ng 2 years habang yung dati naman parang dekada ata ang inaabot at higit pa.
Posibling magtagal pa tong giyera na to kabayan dahil hindi rin basta-basta nai-invade ng Russia yong Ukraine dahil may tulong yong NATO at ang US sa kanila, yong nga lang ay hindi manpower kung hindi military hardware lang yong pinadala sa Ukraine. Tama ka, may interest yong mga allies ng Ukraine kaya nila tinulungan to, gusto kasi nila na ma-member sa NATO yong Ukraine para makapaglagay sila ng mga weapons sa bansang ito na katabi lang ng Russia which is ayaw talagang Russia na mangyari.
Hindi tutulong yang mga malalaking bansa kabayan kung wala silang personal na kailangan , naranasan na natin yan ng ilang ulit lalo na sa Amerikano na matapos tayo TULUNGAN KUNO eh sila naman ang sumakot sa atin na kesyo para lang proteksyunan tayo habang nagsisimulang bumangon pero sa likod nun eh kinakamkam na nila ang mga likas na yaman natin and ibabalik sa atin ang pagpapalakad after nilang mapakinabangan ang ating natural resources and mga strategic location para sa kanilang depensa.
Tama ka kabayan, nasa strategic posisyon ang Pilipinas para paglagyan ng kanilang mga depensa kaya kailangan nila tayo at higit sa lahat ay ayaw nila na maging kaibigan tayo ng China.
Di ba, nandito sa bansa natin yong presidente ng Ukraine, ano kaya ang kanyang pakay at napunta siya sa ating munting bansa, kailangan kaya niya ng mga sundalong Pinoy na tutulong sa gera nila kontra Russia, sana naman hindi.