Nagsend ng pera yung kapatid ko sa aking Gcash account. Akala nya na yung Gcash account number ko ay same pa rin noon kaya hindi ko natanggap yung pera.
Buti nalang andito pa rin yung sim number ko na pinagsendan nya ng pera at gumagawa ako ng account sa mismong number.
Pero pagkaopen ko, wala akong nakitang balance at chineck ko yung history sa Gcash ay wala pa rin.
Nalilito ako kung ano ang gagawin dahil transfer successful na e-wallet na ginamit ng kapatid ko.
Kaya nagsumite ako ng ticket sa Gcash support pero still unresolved at inihold nila yung isang account na pinagsendan ng pera.
Baka may kababayan natin dito na may kaparehong problema at nasolusyonan, patulong naman.
Pangbayad sana ng bills yun. 
Teka lang nalito ako, akala ko may Gcash account ka na dati, so dun pumapasok ang pera or nagamit mo na to?
Kung ganun bat sabi mo gumawa ka pa ulit ng account dun sa number na yun, kung existing na?
Yan na lang ang best talagang magagawa mo mag open ng ticket at sana ma resolved at mabalik ang pera.
Wala pa naman akong na experience na ganito, pero may naexperience ako na nag send ako sa ibang number ng pangbayad ng bills sas meralco at ibinalik namana ng tao kasi kakilala ko. Nalito lang ako sa pangalan nila. Pero kung ibang tao yun, tyak hindi na maibalik sa kin.