Nagsend ng pera yung kapatid ko sa aking Gcash account. Akala nya na yung Gcash account number ko ay same pa rin noon kaya hindi ko natanggap yung pera.
Buti nalang andito pa rin yung sim number ko na pinagsendan nya ng pera at gumagawa ako ng account sa mismong number.
Pero pagkaopen ko, wala akong nakitang balance at chineck ko yung history sa Gcash ay wala pa rin.
Nalilito ako kung ano ang gagawin dahil
transfer successful na e-wallet na ginamit ng kapatid ko.
Kaya nagsumite ako ng ticket sa Gcash support pero still unresolved at inihold nila yung isang account na pinagsendan ng pera.
Baka may kababayan natin dito na may kaparehong problema at nasolusyonan, patulong naman.
Pangbayad sana ng bills yun.
