Hindi naman sa ayaw, pero sa totoo lang, mas nakakatakot ngayong mag-promote ng bitcoin o anumang crypto dahil mas malalakas ang loob ng mga loko-loko ngayon. Hindi pa din mawawala yung pag-iisip na kapag meron ka BTC ay marami ka pera o bigtime kaya delikado lalo kapag natiktikan ka na. Sa social media na lang siguro kung saan pwede ka pa mag-anonymous.
Yeah kaso kung social media kabayan iba interes ng mga tao naoobserbahan ko lang tignan mo ngayon naging vlogger na lahat dahil gusto easy money. Though mataas ang oras na ginugugol ng karamihan sa social media but I am not sure kung maaattract nila attention ng crypto which is nandyan na yan matagal na kaso kadalasan entertainment at mga kalokohan lang at chismis inaatupag ng karamihan sa socmed though not all but alam nyo na.
Siyempre kung ano yung mas madaling gawin na pagkakaperahan ay yun ang uunahin na gawin ng ibang mga kababayan natin. Kaya nga yung poverty porn ginawa na nilang negosyo talaga, dahil isipin mo nga naman mamuhunan ka lang ng 1k pesos na ipangtutulong mo sa isang taong mahirap o pulubi na sasamahan mo ng video recording ay paldong-paldo sila kung monetize yung account nila sa Youtube o Facebook.
Kaya medyo katwiran ka dyan sa binanggit mo na yan, kasi yung crypto o bitcoin sa tingin ko lang mas madami parin ang hindi nila pagtutuunan ng pansin yan, dahil ika nga parang pang matalino lang daw ang bitcoin o crypto sabi ng iba. Pero para sa akin ay para sa akin ito ay para sa mga taong merong willingness, dedicated at may passion talaga.