ano kaya ang mga paraan para mas mapromote ang crypto o bitcoin sa mga tao? una ay mga conferences o seminars sa mga workplaces o pwede rin sa mga eskwelahan
Siguro mga influencers with bitcoin and crypto related content sa facebook where most pinoys ay gamit na gamit ang facebook in social media engagements. Of course mga facts, wikis, how-tos, guides, tutorials na mga video contents lang, hindi yung pa bida at puro pa brag lang.
- Parang may naalala naman ako dyan sa pabida at pa brag lang na tao hehe... Si marvin favis ba yan mate?

saka yung isa si @crypto4chun ba yun, kapag napapadaan ako sa kanilang mga channel sa youtube at napapasilip ako ay napapailing nalang ako sa dalawang yan dahil parehas silang dinadala nila yung pagiging networket nila, yung galawan at pananalita ay istilo ng isang networker talaga.
Hindi ko lang alam kung naoobserbahan din ba ito ng ibang mga kasama natin dito. Though may iba naman din pinoy crypto na okay din naman sa akin, hindi ko nalang banggitin ang youtube channel nya dahil gusto ko yung way ng paggawa nya ng content, at meron siyang signal group sa telegram pero hindi ako sumasali dahil meron bayad kapag sumali ka dun sa group signal nya, though free yung telegram joining nya.