- Niresearch ko walang gumagawa nito sa ibang mga bansa kundi dito lang talaga sa bansa natin na bukod tangi, siguro dahil alam nilang madaling mapapa-Oo ang mga pinoy na kababayan natin. At nakita naman natin sa larawan at pinalabas din nga diba sa Kmjs.
At kung gagamit naman iba-ibang contact lens parang hindi naman ata yun mababasa na maayos if I am not mistaken dahil fake lens lang naman yun diba? ito lang naman yung sa aking pagkakaalam sa bagay na yan.
Unfortunately di ko pa napanuod ito sa kmjs kabayan, kung di ito pinoste dito di ko rin malalaman haha di na ako masyado natambay sa social media napakatoxic na. Well, yeah totoo naman talaga na kapag usaping pera ambilis maengganyo ng mga Pinoy kaya marami ang nabibiktima.
Di rin ako expert sa contact lenses but that is one option ng mga spy agents para hindi maidentify nabasa ko lang din yan dati pero since itong isyu na ito ay ginagamit sa airdrop tingin ko tama yung hinala na gagamitin ito for something at yung bayad at airdrop ay front lang para hindi mahahalata na ito ay identity theft.
Hindi naman na nag-iisip tayo ng masama pero parang ganun narin talaga hehehe, anyway mukha talagang identify theft yung ginagawa so para hindi magmukhang identity theft may kapalit na pera sa pamamagitan ng airdrops na sinasabi nila.
mas maayos na mag-isip ng masama nang sa ganun ay safe tayo ika nga nila better safe than sorry alam naman natin na madami talagang mga masasama ang loob lalo na during these times na marami ang nagiging desperado na kumita ng pera both scammers and mga victims ay desperado sa pera ang mga scammers gagawa ng paraan para makapangloko ng tao at may mga desperadong tao naman na mabilis na maniniwala sa kahit ano basta involved ang pera
- Walang pinipiling panahon itong mga scammers, basta makakita sila ng pagkakataon ay sasamantalahin talaga nila ang oras na makalusot sila sa bibiktimahin nila. Meron nga akong nakita sa Facebook kahapon na pa airdrops na halatang mang-iiscam lang dahil nilevel nila yung pagpromote ng meme coins sa level ng Doge, shib, at Pepe.
Tapos tinignan ko sa coingecko at coinmarketcap hindi ko nakita yung name ng meme coins na pinopromote nila at sinilip ko rin sa ibang mga Dex platform wala din, kaya ko nasabing scammer ang developer.