Pero ang tanong dito kabayan, kailan kaya magkakaroon ng camera ang ating Bansa na may kakayahang mag-scan ng mata? Sa tingin ko matatagalan pa yan, yung Iris scanner palang siguro sa pagkuha ng mga valid IDs.
I am not sure kung may gumagawa na nito sa ibang bansa kabayan yung iris scanning for security purposes dahil yung kadalasan na nakikita ko is facial recognition pa lang though baka ako yung outdated but yung iris scan din kasi pwede yata maitago yan through contact lenses at dahil dito I am wondering na what if gagamit ka iba't-ibang contact lens designs para makasali dyan sa airdrops na yan?
- Niresearch ko walang gumagawa nito sa ibang mga bansa kundi dito lang talaga sa bansa natin na bukod tangi, siguro dahil alam nilang madaling mapapa-Oo ang mga pinoy na kababayan natin. At nakita naman natin sa larawan at pinalabas din nga diba sa Kmjs.
At kung gagamit naman iba-ibang contact lens parang hindi naman ata yun mababasa na maayos if I am not mistaken dahil fake lens lang naman yun diba? ito lang naman yung sa aking pagkakaalam sa bagay na yan.
Hindi ko yun naisip yung about sa contact lenses pero I think dahil may mag-assist sa atin sisiguraduhin siguro nya na hindi tayo gumamit ng contact lense sa pagpoproseso. Kung mabuti naman ang maitulong ng Iris scan sa atin upang matukoy kung sino tayo sigurado magdadalawang isip tayo na gumamit ng contact lense kasi kung sakaling mawala natin ito. Baka hindi na pwede sumubok ulit.
To be frank nag-aral din kasi ako ng Iridology before, through iris kasi pwede nating malaman kung ano ang kondisyon na kalagayan ng isang tao sa kanyang personal na kalusugan kung malala naba o hindi.
Na kung saan through Iris we can detect kung nasang level kana ng stage ng sakit na meron ang isang indibidual, let say sa Acute stage, Chronic at degenerative level na kung saan ito yung may taning na talaga. Pero yung Irish scan ibang usapin naman yan talaga.
Okay kabayan, akala ko malalaman pa rin yung mga sakit natin sa pamamagitan ng Irish scan. So since hindi pa ito masyadong ginagamit ng mga tao, wala pa tayong sapat na impormasyon dito kung okay lang ba na magpa-Irish scan o hindi, huwag muna tayong mag-alala ng sobra. Tapos seguro mahal din machine na yan, kaya parang hindi pa yan mangyayari sa ngayon lalo na't may mas malaking problema ang kinaharap ng mga tao sa ating Bansa.
Dito sa Irish scan na ginagawa nila sa tingin ko for verification itong ginagawa nila kung magmamatch dun sa valid na id na ibibigay ng mga makikilahok. In short, wala akong ibang nakikitang reason kundi ang kailangan lang nila ay yung verification identity meaning pag nagmatch yung sa id at iris scanning ay verified na yun sa kanila, na posible at hindi malayong may paggagamitan sila sa mga verified identity, at yun ang nakakabahala dun talaga.
Ayoko mang isipin pero this is obviously para sa aking opinyon na mukhang binibili nila yung identity nung mga makikilahok, tinago lang nila sa ibang paraan katulad ng airdrops daw pero they are only after for the identity ng tao, kasi kung airdrops lang talaga yan bakit kailangang may valid ID pa?