Sa latest update nag check ako ng ilang partylist at wala pang partylist na ang advocacy ay cryptocurrency neron ako nakita na patalastas mimo sa TV kung saan ang advocacy ay mining hindi ko alam kahit marami na sakuna na nangyayari dahil sa mining may grupo pa rin na ito ang advocacy nila.
Mukhang matatagalan pa talaga na magkaroon ng advocacy tungkol sa cryptocurrency, ito ay dahil sa maliit pa lamang ang community dito.
Kung tutuusin kaya sana yan magkaroon lang talaga ng malaking organization na imanage ng mga kilalang crypto personalities sa bansa natin. Kayang kaya yan kasi iilang votes lang naman ang kailangan para magkaroon ng representative o congressman sa congress na magrepresent ng crypto party list. Pero dahil mainit na issue din naman itong mga ito sa bansa natin, mas okay na lie low muna ang mga tungkol sa ganito dahil sa mga akap funds at iba pang mga budget insertion.
- Yang AKAP na yan, sobrang halata na ito yung ginagamit nilang vote buying sa mga botante, sana lang talaga yung mga makakatanggap ng AKAP ay hindi sila maging Bobotante. Kasi sobrang hayagan yung kahayukan ng mga congressmen/congresswomen na pinamumukha nilang parang pera nila yung pinamimigay nila.
Sobrang dami din nilang pangungurakot na nakukuha dyan sa mga pa ayuda na yan, binisto sila ni Mayor magalong sa kanilang mga pinaggagawa nila. Sana lang talaga pag naging presidente si Vp Sarah iabolish nya ang partylist tapos ipapushthrough nya yung bitay ulit tapos saka nya balikan yung mga kurakot ng mga pulitiko.
Napanood ko nga yang video ni mayor at halata naman. Kahit wala tayong alam masyado sa pulitika kawawa lamg talaga na magiging ayuda nation ang bansa natin. Kaya sana mawala na yan at maabolish dahil sila lang gumagasta ng pondo ng bayan na parang kanila yung pera. Kaya kung magkaroon man ng mga organization na magfofocus sa crypto, baka sana maging stable ang status ng crypto sa bansa natin sa pamamagitan ng page-educate at pagpondo sa pagbibigay ng mga tours at visitation para mas lalong magkaroon ng kaalaman ang mga kababayan natin tungkol sa industry na 'to.
- Ang congress ngayon na meron tayo ay mga sobrang abala sa pangungulikbat talaga ng pondo ng bayan, lalo na si Romwaldas, lahat nalang binubusalan nya ng pera na akala mo galing sa bulsa nya yung pera. Halimbawa na lamang yung makakalaban nya na tatlong candidates sana sa pagkacongressmen na yung isa dun ay inendorso ng DU30 aba ang ginawa ng comelec dinisqualified yung tatlong kalaban ni Tambaloslos sa leyte, isipin mo yung kalaban nya pa na tatlong tumatakbo sabay-sabay na DQ, hindi kaba mag-iisip nun? kaya ngayon wala na siyang kalaban,ibig sabihin sure win na siya, hindi marunong lumaban ng patas, ginamit ang posisyon para manalo.
kaya yung cryptocurrency sa congress medyo sa panahon na ito talaga dahil karamihan nga ay mga Crocgressmen talaga. Isipin mo sa isang congressman na sasama sa mga ayuda ni tambaloslos isang congressman palang sa AKAP meron siyang 7 milyon na ayuda, tapos kung present din sa AICs 7 milyon ulit, sa TUPAD 7milyon ulit at sa MAIC 7milyon ulit, edi total 28M sa isang congressman palang, eh madalas kung san may paayuda pinakamababa na sumasama ay nasa 30 congressmen imultiply mo sa 28M pesos total 840milyon ang nakatanggap nang tunay na ayuda ang mga congressmen tapos ang binibigay lang sa mga kababayan natin baka nasa 100-200 milyon lamang.