Nakakalungkot lang ang daming influencers na ginagamit ng mga party list para makakuha ng boto isa na dito si Diwata na third or fourth nominee ng Vendor's party list, isa pa dito ay si Rosmar Tan sabagay ako may party list na ako na lagi ko binoboto every year dahil sa dami ng nagawa nila so far wala sa mga nagkakandidato na party list ang mag advocacy sa Cryptocurrency.
Sana sa future ay mayroong dumating nakahanda na ang boto ko sa kanila.
- Yang si Diwata nakain na ng sistema ng pera yan, dahil sigurado ako na nagpabayad or nagpagamit sa first and second nominee yan, pumayag siya na gamitin siyang front kahit alam nyang wala naman ding saysay yung pagiging 4th nominee nya, bistadong-bistado yung 1st nominee sa interview ni Ted failon isipin mo mula sa pagkakaroon daw nya ng negosyo na RTW, nagkaroon ng business na SPORT item, then merong construction material(hardware), tapos may mining company, at traders din, vendors pabang maituturing yan?
Nalantad ng husto yang first nominee ng vendors partylist, so lumalabas na hindi talaga tutulungan ang mga maralitang vendors, dahil nakikipagcontract sa Dpwh, sa tingin ba natin uunahin nyan yung nasa ibabang mga vendors o yung mga DPWH na makikipagbid sa kanila ng contract?, meron bang vendors na ganyan na representative? so kitang-kitang na binayaran lang talaga si Diwata, nagsabi pa na magaling at matalinong tao si diwata pero nilagay sa 4th nominee edi nagsisinungaling siya. Ito namang si diwata nagsisinungaling din, yung ganyang mga influencers hindi dapat binibigyan ng chance yang mga yan na iluklok sa gobyerno, dumadagdag lang sila sa bSPAM BANng pulitiko sa gobyerno lalo na si rosmar na puro pagbubuhat naman sa sariling bangko ang ginawa na para nyang sinabi na iboto nio ako kasi graduate ako ng college, at section, iboto nio ako kasi 10 yrs palang ako ay tumutulong na ako kahit aso't pusa tinutulungan ko, iboto nio ako kasi matulungin akong tao at hindi bobo, tapos sinabi pa nya na ayaw daw nya talaga ng pulitika dahil sakit sa ulo daw ito pero nagfiel ng COC, napakasinungaling talaga. Hay naqu...