My biggest regret is nung hindi ko kaagad-agad inilipat yung rewarded ETH ko sa wallet ko sa coins.ph from my MEW. Sad to say, at that time, kulang yung pondo ko sa coins.ph para makagawa ng ETH wallet. Nagpunta ako sa Cebuana Lhuiller para maghulog ng additional funds kaso off-line ang coins.ph. I told myself to do it the next day kaya lang i totally forgot dahil marami akong errands na inasikaso. To make the long story short, bago ko pa mailipat eh naunahan na ako ng walang pusong hacker. Yung hinintay ko ng ilang buwan eh, naglahong parang bula sa isang iglap. Kung puwede lang makapatay ang luha, panghihinayang at sobrang sakit ng loob - malamang patay na yung hacker na iyon.
I've learned my lesson. At titiyakin ko na hindi na mauulit ang bangungot na iyon.