Sana mag tuloy tuloy na at malampasan ang all time high noong 2017. Sa totoo lang gusto ko din ma experience ang naranasan ng mga tao noong 2017 na grabe talaga ang pump at kahit anong i trade mo ay sure profit ka.
Kabayan, para sa akin, kahit dumikit man lamang ay masaya na ako pero siyempre pa ay mas magandang malampasan ang naging presyo nung taong 2017. Nasaksihan ko ang kakaibang saya at ginhawa na naidulot ng pangyayaring iyon sa aking mga pamangkin na puro estudyante sa panahong iyan. Na masasabi kong nagbigay sa akin ng hangarin upang makipagsapalaran sa mundo ng crypto.
Ngunit ayon kay Jihan Chu - co-founder of Kenetic Capital, bago matapos ang taong kasalukuyan Bitcoin will hit the $30,000 mark. Nagbigay siya ng 3 dahilan:
1. THE LIKES OF FACEBOOK, JP MORGAN, FIDELITY, SAMSUNG EMBRACING CRYPTO
2. AN ALTERNATIVE INVESTMENT TO BORING IPOS
3. UPCOMING BITCOIN HALVING
[ sundan dito ang buong istorya:
https://www.ccn.com/3-killer-reasons-bitcoin-price-30000-before-2019-end ]
Sa tingin ko ay mukhang puwedeng magkatotoo ang pahayag ni Mr. Chu. Kapag marami pang kilalang kumpanya ang susunod sa hakbang ng mga korporasyon na iyan ay tiyak na major adoption ang mangyayari [kung saan ay alam na natin ang kahihinatnan].