Mga kababayan, Ano ba ang
Duplicate Profile dito sa altcoinstalks, at sino nga ba sila? marami na akong nakikita dito at active parin, at kanina lang may nakikita na naman akong sumali sa bounty program dito
https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=115736.150 .
Duplicate, ibig sabihin bukod sa isa niyang account may isa pa siya! Pinapayagan ba ito dito sa altcoinstalks na mangyari or hindi? Nagtatanong lang, sa iba kasing community ay pinapayagan ito lalo na sa mga social media katulad ng facebook, telegram at iba pa.., pero sa iba matatawag itong SCAMMER, bakit kailangan pa ng dalawang account o mahigit pa sa isa? siguro nga may dahilan? Staff siya or Admin kaya kinakailangan ang Duplicate Profile, Kung alam naman natin na bawal bakit kailangan pa na gagawin natin ito? Ang binabanggit ko dito ay yung pangalawang
Photos na halimbawa sa ibaba, Pero may mga iba't ibang dahilan ang mga ito kung bakit nagka duplicate, tingnan ang mga larawan sa ibaba
Bakit nagkakaroon ng Duplicate Profile at paano ito nalalaman ng sistema na siya ay may Duplicate Account?
Sino nga ba sila?
Sila po yung gumagamit sa isang platform katulad nitong Altcoinstalks na gumagamit sa magkaparehong IP ADDRESS, UNIT (Computer, Mobile phone, etc..)

Dalawang User, na gumagawa ng account or gumagamit sa iisa lang na Unit (computer, mobile phone)

Iisang User, na gumagawa ng mga account na mahigit pa sa isang Unit (computer, mobile phone)