Ang aming SDK Documentation, Developer Portal at mga pagpapabuti sa imprastraktura ay balak na naming ibahagi sa darating na ilang linggo!
Sa video clip sa ibaba, tinalakay ni Erick, aming CEO, ang patungkol sa panibagong milestone na to at kung ano ang nilalahad at kabuluhan nito para sa kabuuang pag-unlad at mga ambisyon ng #Linux ng Cartesi.
Ang Cartesi's Software Development Kit (SDK) ay magbibigay daan sa mga developer na lumikha ng mga application para sa kanilang mga platform gamit ang Cartesi tech.
Ano ba ang bentahe ng Cartesi tech na ito? Well, gamit ang Cartesi tech mas pinadali para sa mga developer ang lumikha ng mga apps dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
✅ Una, sa pamamagitan ng teknolohiya ng Cartesi, ang mga developer ay maaaring gumamit ng pamilyar at makapangyarihang mga bahagi ng software na suportado ng Linux upang lumikha ng kanilang mga DApps. Ang mga ito ay libre mula sa abala ng limitadong domain-specific blockchain environments.
✅ Pangalawa, ang mga mainstream developers ay maaaring ganap na ipahayag ang kanilang mga sarili sa pagbuo ng Apps gamit ang mga software stack na pamilyar na sila.
✅ Pangatlo, ang Cartesi DApps ay magiging portable sa lahat ng mga relevant blockchains, kaya hindi kailangang mag-alala ang mga developer tungkol sa kung gaano lang ang itatagal ng isang blockchain project.
Kung meron ka pang nais malaman patungkol sa Cartesi at sa teknolohiya nito, mangyaring makipagtalakayan sa opisyal na komunidad namin:
https://t.me/CartesiProject