Seguradong mahirap talagang tukuyin ang isa kung ito ba ay scam o legit. Anu po bang maiging maipapayo niyo sa amin upang mas matukoy namin ang kaibahan sa legit at scam. Kasi minsan may maraming sumasali sa isang campaign, pero scam pala. Kasi kung pagbabasihan natin ang bilang ng kalahok, mahirap pong patunayan na ito ay isang scam o legit. Kaya ang mangyayari, ititake na lang namin ang risk, kasi mahirap tukuyin. Pahinge po ng mga payo, sa magalang na paraan.