~ Anong pinagkaiba nila. Sana po may makasagot.
Knowledge wise, malayo pa ang agwat karamihan ng mga members doon at dito.
Kung gusto mas mapabilis ang pagaaral ng blockchain at cryptocurrencies, doon ang mas magandang magsimula dahil mas marami ang madudunong sa mga technical na paksa. Hindi mo kailangan mag-post agad, basa lang. Kung may lehitimong tanong ka, pwede naman yun at marami din tutulong.
Kung ang plano naman ay mag-bounty, mahihirapan ang sinuman magpataas ng ranggo doon.
Actually hindi pa ako nakakasubok sa Bitcoinstalk kabayan. Ngunit sabi ng coach ko tuturuan niya daw ako makapasok doon pagkabisado ko na ang Altcoins Talk.
Dapat kapag pamilyar ka na sa cryptocurrency hindi lang sa Altcoinstalks. Kapag ganun kasi, kahit saang crypto forum ka pumasok, hindi ka mahihirapan kasi nga may alam ka na.
Sabi ng coach ko kapag nag Godbless ka daw doon ay may kakalaban na agad sayo.
Pwede naman yan basta dagdagan mo ng related sa topic dahil madalas considered as low value kung yan lang ang post mo (one liners).