Teknik dyan sa pag-avail ng badge mga kabayan itiming nyo kapag bumaba presyo ng ETH kasi yung Royalty badge ko naavail ko sya ng more or less ₱13k yata value nung .1ETH eh ngayon yung value nya is nasa more or less ₱17k na. Pero alam ko madali lang naman sainyo yung pagtaas ng merits kasi base sa nakikita at nababasa ko sa mga post dito informative naman. Ang advantage lang ng nakabadge ay marami perks like may additional percentage na makukuha kapag nagconvert na nang points into ALTT tokens saka yung priority din para sakin double purpose din kasi to like investment at the same time nakatulong din sa improvement at upgrades ng forum.
Wow, gumastos ka pa ng ganoong kalaking pera kabayan para sa Royalty badge, napahanga mo ako kabayan ahh. Sa gipit ng panahon ngayon ay hindi ko afford yong 0.1 ether para lang sa badge pero salamat as reply mo at ngayon ay may idea na kami kung magkano yong ginastos mo para makatulong ng i-improve ang forum na to.
Perks of being single kabayan hahaha wala pa ibang masyadong priority puro investment baka sakali magsucceed yung plans kabayan. 😁 Actually mahirap lang din naman ako maliit lang ang kinikita naisipan ko lang kasi yung katulad sa nangyari dun sa kabila na what if tuluyang aakyat presyo ng mga coins tulad ni Bitcoin na syang gamit na donation dati kaya habang maaga pa ginawa ko na mamaya di ko na afford yung value ng .1ETH sa sobrang taas na ng presyo pero yeah what if lang naman haha
Malaki talaga advantage kapag hindi pa pamilyado lalong-lalo na sa investment kasi hindi ka matatakot magrisk ng pera. Kung pamilyado kasi magdadalawang isip ka kung i-invest ba ang pera o gagamitin nalang sa pamilya. Kakakasal ko lang kasi kaya makikita mo talaga kaibahan sa dati, pero masaya naman din ako

. Siguro kung single pa rin ako ngayon, nanatili pa ring nakahold yung mga kinikita ko sa BTC hanggang ngayon.
Btw, tanong ko lang kabayan, matagal ka na ba moderator dito sa forum o pagkatapos ng pagkakaroon ng Royalty badge?