Kung ang bitcoin ay nawala, at ikakaltas ito sa circulation sa current supply, ang magiging epekto nito ay mamahal ang value ng bitcoin. Bakit? Kasi iilang bitcoin nalang ang umiikot sa market at patuloy paring tinatangkilik ng mga investors ito. For example, sa 16m market supply, kunware ay ang nawalang bitcoin ay nasa 4 milyon bitcoins, so 12 milyon bitcoins nalang ang active na nagcicirculate sa market. Syempre sa dami ng mga investors na bumibili at nagbebenta, aakyat ang value nito kasi kokonti nalang ang supply nito. It means, kung konti lang ang market supply, mas malaki ang halaga ng coin. Kung masyadong malaki ang market supply ng coin, mas mura ang value nito. Just like RDD(Reddcoin) bilyon ang supply sa coin na ito kaya mura ang value ng coin at malabong umabot ito sa $1 per coin.