Para sakin po hindi po ang bitcoin ang dahilan kung bakasakaling mamamatay ang isang tao habang nagbibitcoin kundi ang tao lang din mismo dahil sa lifestyle niya o di kayat dahil mismo say ugali niya. Halimbawa po, Sobrang Babad siya sa bitcoin dahil dyan di na makakain sa tamang oras Tska nasobrahan din sa radiation nakakadulot yan ng masama sa katawan ng tao. Eh Hindi naman tayo inutusan ng bitcoin na gawin yan compulsory, so nasa sa atin na yun kung wala tayong disiplina in terms of using our time manipulating bitcoin,sinisira natin mismo yong sarili natin.
Tska kung yayaman man tayo dito sa bitcoin, posibleng may magtatangkang pumatay satin Pero Hindi parin yun kasalanan ng bitcoin, kundi kasalanan yun mismo sa masamang tao na halang ang bituka at walang awang pumatay ng inosenteng tao. Pwede ring maging kasalanan natin kung maging hambog o mayabang tayo pag yumaman na dito, Sobrang pasikat na tayo sa kung ano ang meron tayo, posible na maghihikayat talaga yan sa mga masasamang tao na gumawa ng masama sa atin. Eh Hindi naman tayo Tinuruan ng bitcoin na gawin yan diba?
So klaro na wala talagang kasalanan ang bitcoin kung mamatay man tayo habang nagbibitcoin kasi ang tao mismo o tayo mismo ang gumagawa ng ating kapalaran. Kayat para maiiwasan ang posibleng mga problema na maaring ikamatay natin, we should have self-discipline, take good care of ourselves and be humble always.