dun naman sa mga airdrop pwede naman natin banggitin na lang kung anong mga available na parating na airdrop tulad na lang ng DOGS mention ko lang bukas na ata ito distribution baka makahabol pa kayu.
Yung sa daily ni dogs ang stop na tapos parang around August 20 ang deposits, tapos August 21 ang trading tapos next day ang withdrawal. Kaya kung magkano man ang mga dogs ninyo mga kabayan sana maging piso sa piso para paldo tayong lahat at sang ayon na imention nalang kapag may mga airdrops tulad niyan at no need na ng referral para diyan dahil parang nasanay naman na din tayo sa kabila na bawal ang referral links pero meron nga namang dedicated section para diyan.
Mukhang malabo na maging piso ito agad kabayan kasi kung mangyayari man may P63k ako, napakagandang balita naman nyan kung magkakatotoo kasi malalagpasan nito Notcoin sa laki ng value ng kanilang matatanggap na pera. Sa pagkakaalam ko kasi, nasa $100 to $200 yung mga nakuha ng mga members sa community. Siguro kahit 50cents lang per token, papaldo tayong lahat ng mga nakapagparticipate.
Napakalabo na maging piso ang price nitong DOGS token. Ang Piso ay katumbas ng $0.017 sa USD.
Isipin rin natin na ang total supply ng DOGS ay 550,000,000,000. Kapag piso ang expected price natin, ang magiging total FDV nito ay $9,615,888,945.22.
Triny ko ring sumali sa airdrop nila kaya panigurado may kaunting tokens akong makukuha pero gayunpaman, mababa ang expektasyon ko di lang dito sa DOGS kundi sa lahat ng airdrops na nasa TON Blockchain at yun ay dahil oversaturated ito. Isipin rin natin na maraming sumali sa airdrop na ito (baka nasa milyong tao rin). Para sa akin, mejo babaan na lang natin ang expektasyon natin sa airdrop na ito.
