Malaki makukuha natin kapag matagal na yung Telegram account natin, ako ay may 7 years old na account at sa pagkakaalam ko ay nasa 5k DOGS. Maliit lang sya kung ikukumpara natin sa DOGS na matatanggap natin kapag tayo ay nakapag-invite ng 5 tao kasi 20k makukuha natin. So hindi talaga ang katagalan sa account ang basehan para makakuha ng malaki dito kundi ang pagkumpleto sa mga tasks at daily claim. Madaming mga 1 year old tg account ang nakakuha ng maraming tokens.
- Ako nga 1 yr old palang sa telegram pero nakatanggap pa ako ng Dogs around 3100 lang pero hindi narin masama yun at least may natanggap parin ako, pero 2 days lang yan, hindi naman din kasi ako gumawa gaano ng mga task.
Akala ko nung una ang Dogs ay para lang talaga sa 1 year old pataas ang Telegram account pero hindi pala. Yung kapatid ko pinasali 1 day nalang tapos bagong telegram account pero nakasali pa rin. Nakakuha sya ng 7k Dogs kasi tinapos nya lahat ng task na available. Akala kasi natin na hindi pwede kasi may lumabas na kakaiba kapag new account pero yung totoo pala ay lagyan lang dapat ng username para mafix ang problema.
Tama ka dyan ako nga naka refer ng mga friends ko na walang alam sa airdrop at Telegram pero
nakakuha pa rin ng airdrop itong mga airdrop sa Telegram sa totoo lang maraming mga baguhan
ang na involve o bumalik sa Cryptocurrency, kasi nga naman free money task lang at walang investment compared sa Axie na gagastos ka pa kaya saan ka pa.
Ang wish ko sana at syempre lahat tayo ay lahat ng airdorp sana ay tulad ng Dogs, mabilis ang listing at marami exchanges na nag list sa Dogs.
Kaya lang sadly kabayan hindi talaga kagaya ng DOGS karamihan sa Telegram app kasi yung iba ginagatasan yung community, yung iba naman ay pinapatagal pa na parang walang perang pangbayad sa listing. Madaming crypto projects sa telegram na matagal ng naglaunch pero wala pa ring listing gaya nalang Hamster kombat, Tapswap, at Blum. Hindi lang din natin alam tunay na rason sa likod nito pero sa tingin ko naman legit project ang mga ito. Sana paldo tayong lahat dito.
- Yung hamster kombat hanggang ngayon nanggagatas parin sa community na naniniwala parin sa kanila, meron parin talagang mga fanatic sa hamster, nung hindi pa sila na-anunsyo na magrilis sila ng token para sa airdrops nila sa Sept. 26 ay malaki na binaba ng views nila sa youtube sa totoo lang.
Tapos nung nag-anunsyo sila ng date sa Sept. 26 akalain mong tumaas na naman ang views nila sa isang araw na naglalaro ng 5M - 6M views pumapaldo na naman ang mga ulupong, kapag yang Sept. 26 wala paring nangyari at nagbago ulit sila ng date, that means mga manloloko lang talaga sila walang pinagkaiba sa ugali ng mga scammers.
Inaanticipate nalang ng mga users kabayan baka sakaling magsisi sila kung hindi nila ipagpatuloy ang Hamster Kombat. September 26 na ang listing base sa kanilang pag-aanunsyo, sa tingin ko may mga karagdagang mga exchanges kung saan i-lilist ito kung sakaling matutuloy ang listing, pero kung wala parang magdududa na tayo. Malaki rin talaga ang kinikita nila sa youtube videos nila, kaya dapat lang talaga nila itong i-list.
Hindi ko na pinagaaksayahan ng oaras at panahon yan, kahit pa before ay nagspend din ako dyang ng oras hindi ko na pinanghihinayangan yun, kesa namanadaming oras ang masayang.
Tutal naman meron namang ibang mga airdrops ang mas potential pa dyan na meron na din namang listing na inanunsyo kung san sila malilista tulad ng Bitget, bybit at, gate.io at okx, so mas gugustuhin ko nalang sa Tomarket kesa dyan.
Sa tingin ko kabayan, malakas lang talaga backer ng Tomarket kaya maraming nagkakagusto nito, isa rin ako sa may Tomarket at naghihintay sa airdrop nito. Pero mas nagagandahan ako sa feature ng Hamster Kombat talaga, andaming mga gaming projects na nagpaparomote sa kanila, kaya malaki chance na sasakyan ito ng mga malalaking investors talaga pagkalist nito. Siguro nga bibili ako ng token nito kung maliit lang listing price at may budget kasi promising para sakin, sa tingin ko malayo pang pupuntahan nito.
- Milyong mga community sa crypto space ang nagandahan sa hamster kombat kaya nga sa unang buwan sobrang daming naniwala diba? saka yung sinasabi mong madaming mga projects nagpopromote sa kanila nung mga panahon na yun anu nangyari? diba ilang beses silang nag-anunsyo hindi nangyari, ilang beses silang pinagbigyan ng community anung ginawa ng hamster? tumupad ba o ginawa yung petsang inanunsyo nila?
Madami pang mga projects ang sumusuporta sa kanila nyan ah, anung nangyari mate? Hindi paba sapat na dahilan yun para hindi sila paniwalaan? more than twice nilang niloko ang milyon community sa crypto space, more than twice silang nagsinungaling, ni wala pa nga silang due date sa pre-market nila sa bitget ang tagal na nun, naunahan pa sila ng Dogs. Kaya masasabi ko nalang, gudluck sayo, sana hindi masayang yung paniniwala mo na yan. Kung kumita ka edi congrats sayo, ako talaga hindi na sa iba nalang din ako at hindi sa paasa.