ano po ang telegram? At ano po ang gamit neto sa crypto? Salamat po sa sasagot
Ang Telegram ay isang messaging app na nakatuon sa bilis at seguridad at ito ay nagawa dahil kanila Pavel at Nikolai Durov. Ginagamit ito sa crypto upang makapagbigay ng mga mahahalagang updates, balita at announcements pwede rin itong gamitin para mag-usap at magdiskusyon ang mga member ng group.
Paano po sumali sa group chat na yun?
Kung open to public ang group chat at masesearch mo ito tapos iclick mo lang ang join channel pero kung naka private ang group ay kailangan mo muna ng invite link na manggagaling sa member o admin ng group.
Saan po ba ko makaka kuha ng apps na ito? Tsaka ano po ang bounty at airdrop? At paano po ako makakasali dito ? Salamat po
Ang telegram ay madodownload sa website nila,
https://telegram.org/.
Ang
bounty ay ang pagtulong mo sa isang project, karaniwang ginagawa sa bounty ay pagshare sa mga social media, gaya ng facebook, twitter, instagram, medium, reddit at iba pang social media platform, pagtratranslate mula english sa local language, paggawa ng video o blog tungkol sa project at mababayaran ka depende sa kung gaano ka kaaktibo sa ginawa mo, para makasali ka ay pumunta ka lang sa section ng Bounties & Rewards [BOUNTY] at maghanap ka ng project na maaari kang sumali
Ang
airdrop ay pamamahagi ng developer ng coin/token sa lahat ng sumali upang maipakalat at mapalaganap nila ang kanilang coin/token, para makasali ka dito pumunta ka lang sa Airdrops & Giveaways [FREE] at maghanap ka ng project kung saan ka maaaring sumali