Isa rin dahilan dito kung bakit di nagsusuccessful ang isang ICO dahil pangit ang project or imposibleng mangyare ang pinaplano nilang project.(basahin niyo ang whitepaper nila at ang roadmap). Kaya di ito tinatangkilik ng mga investors. Ang isang ICO kasi, drawing pa sa simula yan, at umaasa sila sa supporta ng mga investors para ipagpatuloy ang proyekto. Kaya may softcap at hardcap yan. May mga qouta sila para sa budget ng project. At kung di nila nareach ang target nila, syempre failed yun at di na kayang ipagpatuloy ang project. Kaya narerefund ang mga investments ng mga investors(kung di scam ang ICO). Syempre tayong mga bounty hunters ang kawawa jan kasi, sayang ang mga pinaghirapan. Pero meron din namang mga ICO na kahit nag failure sa pag reach sa softcap nila, pinagpapatuloy parin nila ang project, for trading purposes nalang ang coin nila.