Ano mas gusto nyo paps? short-term(day-trading) or long-term(holding)? saken ay long-term trading kase may mababa ang risk kesa sa short-term. May alam kaba dito paps? feel free to share 
Actually gusto ko sila pareho though mas risky yung day trading but if offers higher rewards compared to hodling. Ang hodling naman for me is much safer kumpara sa day trading dahil iiwan mo lang ito sa wallet mo for a long time. Dati I do both short and long term hinahati ko lang yung funds ko but sa day trading praktis lang yun pero kumikita din naman ng few dollars kaso nakaligtaan ko sya dahil nakatulog ako pagkagising ko ubos na funds ko dahil sa futures cross ako nagtrade. 😅 Anyways, kahit naluge ako ay lesson learned na din yun.
Yes, I think kaya siguro gusto ng majority and HODLing kasi nga less risk compared to daily trading. Tapos ang Trading talagang maglalaan ka ng oras, naka tutok sa PC ang tinitingnan ang galawan para maka scalp ng pakonti konti (kung maliit ang budget mo), kaya para talaga tong sugal although controlado mo naman to.
Na experience ko na rin yung ganyan mga 2018 hehehe, practice practice tapos naubos ang budget ko sa trading dahil nga wala pa talaga ako kaalam alam dito.
Totoo yan. Mahabang oras talaga ang ilalaan mo sa trading. Hindi ka din pwede na iiwanan mo dahil masisimot ang pera mo or kung hindi ka man mag-set ng TP or SL. Pero kung spot trading naman, okay lang din na hindi mo masyado tutukan, kumbaga pitik pitik ka lang sa spot. Ayun nga lang, kung gusto mo talaga maging profitable sa trading, futures trading talaga dapat ang gagawin mo na lalaanan mo ng oras at effort na din.
May kakilala ako, nag set ng position niya sa futures trading, naligo lang saglit at nakalimutan mag set ng TP at SL, after nun lagas yung naka set niya.