Salamat mga paps sa pagsangayon mga kabayan, ginawa ko ang thread na ito dahil sa pag-asang may makaunawa sa nais kong mangyari na dapat tayong lahat ay maging responsable sa dadalhin nating mga magiging members dito. Wala rin namang ibang makikinabang kundi tayong lahat. Kung nais nating manatili at lumago ang forum na ito dapat ayusin natin, tumulong din tayo sa kaya nating ibigay, dahil ang tagumpay ng forum na ito ay para rin sa atin.