Gcash saka BPi at yung iba parehas lang ng amount noong nag try ako nitong nakaraang araw lang. Noong nagcheck ako sa ibang mga options na hindi metamask, mababa lang talaga siya at hindi obligado na umabot ng libo. Kung gusto lang naman na rekta ng metamask pwede iavail yan pero sayang din yung fees na matitipid mo na pwede pa sanang madagdag sa actual na mabibili mo.
Malaking amount ba yung sinubukan mo na i-cash in? Nagbabago kasi yung steps kapag mataas ang amount, may mga need sila gaya nalang for example, 50k ang pera na ipapasok mo, need mo na magsubmit ng ID at nasa 3k na din ang mababawas dun sa value ng cash in mo, dahil na din sa exchange rate tapos additional fee. Which is normal lang dahil ganun din naman kung bibili ka sa exchange, makakaltasan kung magconvert kana to any crypto.
Eto another example ng breakdown of fees sa minimum amount na cash in sa ETH network,
kung makikita natin, network fee, transak fee, metamask fee. Yun mismo ang ikakaltas sa amount ng cash in.

Nag proceed ako, then nag undergo sa KYC which is 2 steps lang naman, pagdating dito, same pa din ang breakdown pati na ang fees,

After niya, ididirect ka na sa Gcash, then login yung gcash accoount. Tapos papasok na ang iyong cash in amount.
