Yes! Agree ako dito sa sinabi mong ibang-iba yung service na inooffer ng Binance kabayan pati na rin yung interface ng app sobrang dali lang aralin wag lang sa trading kasi bobo ako dun. 😅 Pero parang pinagkakaisahan ngayon ang Binance kasi pati India ibaban din sila kasama yung mga major exchanges doon.
Sa India naman, mainit ng usapin ang crypto doon dati pa. Dito lang talaga sa atin na parang bago at sumunod lang sa hakbang ng US. Kasi kahit dati pa man din noong nandiyan pa yung mga exchanges tulad ng bittrex at yung iba pang nagsara, wala silang kaideya ideya at walang higpit. Ngayon lang talaga sa binance at pati na rin siguro sa ibang exchanges na sumusunod kay binance.
May naencounter ako na exchange ganyan before at ito yung hotbit, putek na yan halos every week ata laging merong maintenance tapos ang malupet pa dun ay naranasan ko na magkaroon sila ng maintenance na inabot ng ilang buwan, eh meron akong assets sa platform na ito mga nasa around 190$ something mga ganyang halaga, sabi ko magresume lang ang maintenance nito ifull out ko na assets ko.
At hinintay ko nga yung dalawang buwan ata yun na maintenance hindi ko na matandaan nung nagresume ay nilabas ko na talaga lahat, tapos after ng ilang buwan na pagfull-out ko ng mga assets sa hotbit ay biglang napabalita na magshutdown na ata sila kaya buti nalang naagapan ko. Ngayon dito naman sa Binance nailipat ko narin sa ibang platform yung assets ko dyan ginagamit ko nalang siya sa ngayon sa p2p nalang talaga hangga't pwede pa.
Grabe nga yang experience na yan at madaming mga ganyang exchanges na parang hindi obligado magbigay ng magandang service at hassle free. At sa funds naman sa binance, hindi pa rin ako nakakapaglipat baka kapag last minute nalang at baka itemporary transfer ko nalang muna sa gcrypto kapag no choice.