ang magiging tanong na lang natin dito ay magcocomply kaya sila? Or magkakaroon pa kaya ng possible extension itong palugit ng SEC?
Hindi natin masasagot yan sa ngayon, pero yang dalawang yan talaga ang pinaka malaking katanungan sa ating lahat sa ngayon. Sinabi naman ng SEC PH na handa silang magbigay palugit kung sakaling para makapag comply ang Binance. Pero kahit gaano pa kahabang palugit ang ibigay nila, kung Binance mismo ang hindi gagawa ng action para makapag register sila, bale wala ang lahat ng iyon. Binance lang ang tanging makaka resolba ng sitwasyon nila sa pinakamalaking pangamba nating mga Pilipino sa posibleng pagkakaban nila dito sa atin.
Siguro yung mga una o pangalawang linggo ay halos lahat ng mga lokal nating mga kababayan ay sadyang nangangamba talaga kapag nawala ang Binance sa bansa natin. Subalit sa mga pagkakataon na ito ay napansin kung yung pangamba na yan ay naalis na ng mga pinoy.
Dahil natanggap narin nating if ever man na maban na nga ang Binance ay ayos nalang sa atin, dahil kung yung Binance ay ayos lang na mawala tayo o yung bansa natin sa kanila, edi dapat na tayong pinoy ay mas ipakita din nating mas ayos lang din sa atin kahit wala ang binance tutal ilang linggo nalang matatapos n ayung palugit nila, diba?