Kahapon lang ay may nilabas ang Bitpinas na mga listahan ng existing at ipapalabas pa lamang na P2E ngayong 2024. Kasama sa listahan syempre ang Axie Infinity na sobrang sumikat noong panahon ng pandemic.
Marami pang laro ang sinasabing dapat abangan natin gaya na lamang ng Anito Legends, Star Atlas, Pixels at marami pang iba. Nandito ang
link ng full information.
Ang pinaka gusto ko dito ay yung Pixels, sa mga hindi nakakaalam, ang pixels ay isang MMORPG web3 game na maraming feature gaya na lamang ng farm land at pagluluto. Free to play din ang larong ito na maaaring maaccess ng lahat ng gustong maglaro.
Kayo ba, sa tingin niyo ano ang mas mag-iingay na P2E ngayong 2024?
Muli ba tayong yayanigin ng axie dahil sa mga bagong updates na nilalabas nila o may iba nang mas mangingibabaw na P2E?