- May future naman ang crytpocurrency sa bansa natin, kaya lang sa ngayon, mukhang mga hackers at mga scammers lang muna ang dapat maunang maachieve nila ang kanilang mga pangarap bago yung mga taong mabibiktima nila sa panghahack at pang-iiscam nila.
Puro balita lang naman ang kayang magawa ng mga ungas na opisyales ng gobyerno natin at magpa-interview sa mga mainstream media para magmukha silang may ginagawa sa kanilang posisyon sa ahensya ng gobyerno natin, pero ang totoo hindi naman nila nasusupil yung mga hackers at mga scammers. Kaya dapat sa mga nakaupo na yan sila dapat ang mauna munang mahack ang mga bank account nila at maiscam ng mapalitan na sila sa kanilang posisyon. Tapos nasisira pa imahe ng bitcoin o crypto dahil sa mga balitang puro negative at wala namang binabalitang maganda tungkol sa Bitcoin o crypto.