May mga pagkakataon na apektadong apektado ang market mapa-good news o bad news man. Pero may mga pagkakataon din naman na parang walang reaksyon ang market kaya mahirap din mag speculate pa minsan minsan dahil ang akala nating good news at may positive na epekto, may mga pagkakataon na wala talagang impact. Ito talaga ang nature ng crypto lalong lalo na si BTC.
Tama ka kabayan, may mga pagkakataon na wala epekto sa market ang news lalo na kung hindi related sa crypto ang balita. Pero gaya ng sabi mo kahit nga related ay pwede ring walang pagbabago sa presyo ng market. Pero kung ang news ay gagamiting mong confluence sa iyong TA kadalasan gumagana talaga.
May mga related sa crypto at hindi pa rin nagagalaw ang market, napansin ko yan ilang beses pero hindi naman madalas mangyari. Mas madami ring mga naasa sa fundamentals kumpara sa technical analysis. Pero ang kainaman dito kapag trader ka at alam mo parehas yan, mas magiging epektib kang trader. Malawak na ang influence ng crypto sa bansa natin at mas dumadami pa ang mga tao na nagkakaroon nito at nagi invest na din dahil parang all in one siya as an asset.
- Kung ikukumpara nga talaga yung bilang ng mga community ngayon kumpara sa before tulad ng mga 2016-2017 ay mas dumami na talaga ngayon, lalo na sa mga nagdaan na mga bull run nito. Parang mas naestablished pa nga ang crypto community ngayon sa bansa natin. Dahil mas madaming mga merchant businesses ang nagadopt ng bitcoin o crypto's sa kanilang mga business establishment.
Agreed din naman ako sa sinasabi mo na kapag meron kang crypto assets ay pwede narin itong source of income kung meron ka ngang malalim na kaalaman sa field na ito ng Bitcoin o cryptocurrency. Ngayon, kung wala ka pang alam sa Bitcoin o crypto ay isipin mo naman na isa itong savings para sa hinaharap habang ginagawa mo ang paghold ng long-term.