May mga related sa crypto at hindi pa rin nagagalaw ang market, napansin ko yan ilang beses pero hindi naman madalas mangyari. Mas madami ring mga naasa sa fundamentals kumpara sa technical analysis. Pero ang kainaman dito kapag trader ka at alam mo parehas yan, mas magiging epektib kang trader. Malawak na ang influence ng crypto sa bansa natin at mas dumadami pa ang mga tao na nagkakaroon nito at nagi invest na din dahil parang all in one siya as an asset.
Tama ka, may mga trader talaga na nagrerely lang sa fundamentals at ay mayroon ding nagrerely sa technical. Pero kadalasan ko talagang makikita na magiging effective lang yung balita tungkol sa crypto kung ang presyo ay nandoon na sa resistance o kaya sa support. Kahit hindi related sa crypto basta mga influensyadong mga tao ay makakaapekto pa rin. Kung wala kasi sa SNR o sa mga swing points ay hindi gagana yung balita kahit related sa crypto pero hindi naman all the time, kadalasan lang.
Oo nga, basta sa mga balita lalong lalo na yung mga negative kahit hindi magaling, kitang kita natin yung reaction ng market. Katulad nalang nitong kay Warren Buffett at yung Japan stocks nikkei, sobrang laking impact. Pero ang kinagandahan lang talaga ay sobrang bilis ng recovery. Pabalik na agad sa $57k at kung makayanan ni BTC na bumalik sa $70k, may pag asa na makita natin agad yung $100k. Sa mga ganyang simpleng fundamental analysis, nakaka engganyo agad pero iba pa rin talaga ang may alam.