Oo naman, historically maganda ang effect ng halving sa price ng Bitcoin. Kasi kung hindi maganda, wala tayong aasahan na mga cycle niyan. Pero base sa mga experience na nakita natin, laging maganda impact niyan. Ang bad effect lang siguro ay kung late ka na buyer ay masyadong mataas na ang price at baka di mo na kayanin ang presyo at pagsisihan mo. Tulad ng kaibigan ko na nasabihan ko tungkol sa market at sinabi ko na dapat karamihan mag invest siya sa bitcoin, ngayon parang sinisisi ako na di daw siya nakabili noong medyo mababa pa. Kasalanan ko pa nga bigla na mga shitcoins pinagbibili niya. 
Yan nga din ang ibig kong marinig hindi yong andami pang pasikot sikot pero ang totoo lahat eh umaasa sa New ATH , hindi man instant na after halving pero sa mga susunod na Buwan or at least isang taon eh aangat ang presyo at makakakuha tayo ng magandang return .
now nasa 50+ thousand dollars ang presyo magandang chance para mag sell na bago bumagsak.
$51k na siya kabayan at biglang taas din mukhang magtutuloy tuloy na ito. Pre halving palang ito ha at siguro pure etf ang impact na nangyayari ngayon. Bigyan ko pa ng mahigpit sa isang taon yan para sa ATH niyan dahil yan naman talaga ang inaantay nating lahat. Maliban na nga lang talaga kung hindi nakabili noong mababa pa, sigurado na bad effect yun kung hindi ka nakapag accumulate.
Hindi pa yan magtutuloy-tuloy, siyempre magkakaroon ng retracement yan o correction, hindi lang natin alam kung anong araw, weeks, at for sure pagngyari yun ay malaki din ang correction na gagawin nyan para makapagliquidate sa merkado. Ilang beses na yang ngyayari. Walang price movement na dere-derechong ngyayari na tulad ng sinasabi mo.
Kaya medyo hindi ba natin masasabi kung kailangan nabang mga short-sell ngayon, pero sa nakikita ko medyo antabay lang muna, pero ilang araw lang mula ngayon ay for sure na pwede na yang magmagsimula ng retracement ilang araw mula ngayon, though hindi ako sure.