Oo mga kabayan, parang staking lang din siya. Wala naman akong masyadong gagawin sa fund ko na yun kaya nilalagay ko lang sa earning feature. Ngayong nalipat ko naman na palabas ng Binance yung fund ko, yung pinaglipatan ko ay may earning feature din naman at mukhang pamilyar na lahat ng mga exchanges sa ganyang feature. Ang risk diyan syempre di mo hawak ang keys mo kaya dapat afford mo lang yung amount na ilalagay mo sa earn feature nila.
Matagal na ako sa Binance kabayan pero hindi ko pa siguro nasubukan yang feature na yan. Kasi ginagamit ko lang talaga noon ang Binance upang makapagwithdraw, kasi ito yung exchange na may pinakamadaming gumagamit kaya masasabi kong safe sya. Ang nagagamit ko lang talaga na feature sa Binance ay yung P2P, futures trading, at convert. Madami pa palang mga features ang Binance na pwede nating pagkakakitaan.
Oo kabayan, madami pa siyang features at madaming mga crypto ang nasa earn. Hindi naman siya ganun kalakihan pero kung tutuusin kung may mga funds kang hindi ginagamit na afford mo na i-take lang ng risk, mas okay na ilagay lang dun para kahit papano may percentage pa rin naman siya. Kahit papano sa lahat ng combination ng mga nilagay ko sa earn feature nila, masasabi ko na naging okay naman ang gain ko.
Mabuti naman kung ganun ang naging karanasan mo sa Binance dahil sa pondo na pinasok at pinakinabangan mo din kahit pano dahil sa features na meron ang Binance.
Ako hindi ko naman lahat nagamit ang mga features ng binance, ang tanging nagamit ko lang talaga dyan ay yung numero uno na dyan ang p2p, futures trading, spot at staking.
Yang mga yan lang naman ang nagagamit ko dyan, yun nga lang talaga hindi natin hawak ang keys na kung saan ay yung binance lang talaga ang may kontrol sa assets na meron tayo sa binance.