Kanina lang ay may nabasa ako sa Bitpinas patungkol dito sa
Paytaca. Ito ay isa nanamang bagong local exchange na inilabas for P2P transactions. May pagkakahawig ito sa Pouch na ginagamit ng mga tourist sa Boracay island. Ang kaibahan lang, kung ang Pouch ay Bitcoin ang ginagamit for payment, dito naman ay BCH.
Nag explore ako sa Paytaca wallet, at ito ang mga nakita ko.
- No KYC
- BCH ang main crypto na ginagamit to send or receive ng asset payment.
- May P2P, pwede ka makabili ng BCH sa app nila, pero ang nakita kong posted sa app ay nag iisa pa lang.
-May marketplace
Sa marketplace, hindi pa ganun kadami ang partners nila na nag accept ng Paytaca as payment option. Pero ito ang ilang sample shop na nakita ko sa application nila.


Kayo ba mga kabayan, ano ang masasabi niyo sa bagong launch na p2p exchange na ito?
Mukhang mas lalawak na talaga ang pagtatag ng online payments.