Mukhang nagpapahinga si bitcoin sa 69k, steady lang kasi galawan eh, kumukuha pa yata ng tyempo. Saan kaya aabot ang hugot si bitcoin nito na para bang may hinihintay bago lumipad. 😊
Alam mo kung ako sayo dude, sa halip na tanungin or alamin mo kung ano magiging presyo ni Bitcoin sa susunod n buwan, mas maganda pa na mag-ipo kana lang, bitcoin man yan o cryptocurrency na nakikitaan mo na pwede kang bigyan ng profit.
Kasi kahit umangat ng 100% si bitcoin next month in terms of price kung wala ka namang binili or ininvest na anumang crypto assets ay ano ang silbi ng tanung mo na yan? Diba parang lumalabas na wala ding kwenta?
Meaning, priority natin sa ngayon mag-ipon or magimplement ng Dca, kasi yung pagtaas ng presyo given na yan at alam na natin yan.