Tama ka kabayan, yan pala yung problema ng karamihan ay yung hindi sila nagse-set ng stop loss nila kaya madalas silang nasusunugan. Kaya yung madalas masunugan, di talaga sila aware sa mga ganyang features at tipong sugod lang sila ng sugod at akala nila sobrang dali lang magtrade lalong lalo na sa future kasi nakakahikayat nga naman yung ibang mga influencers kapag pinopost nila mga gains nila.
Marami talagang mga traders ang nakaranas ng ganyang pangyayari. Pero may mga traders rin naman na talagang pinipili ang cross-margin mode kapag nagtitrade, hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason kung bakit mas pinili nila ito kesa sa Isolated margin mode. Hindi ko talaga sinubukan mag cross margin mode sa buong buhay ko kasi kapag biglaang dump na mangyayari siguradong liquidate lahat ng asset mo kapag hindi ka naglagay ng SL. May nangyari kasing biglaang dump nuon na halos -50% ang ibinagsak, kaya maraming mga balita na naliquidate ng malaking pera, hindi lang sa ibang bansa pati narin dito sa Pilipinas.
Parang ngayong araw lang, biglaang dump kaya kung naka long, panigurado sunog nanaman ang pera. Pero sa mga nakashort, paldo nanaman sila.
Healthy itong mga ganitong correction dahil biglaan lang din naman na tumaas kaya parang pabuwelo lang ito ulit at antayin lang natin kung anong mangyayari next week.
Dahil patapos nanaman itong week na ito, madami daming nagta-take ng profit nila sabay balik lang ulit sa market next week.