Hindi naman siguro matutuloy ang giyera sa pagitan natin at ng Tsina. Sakin pero pormahan lang din to, palakasan, show of force o yung parang video ng dalawang aso na yung isang maliit eh ang tapang tapang kasi nasa lap ng amo nya, pero pag nilapit na dun sa malaking aso eh wala namang tahol, hehehe.
At wala rin akong nakikitang connection, hindi naman nila makukuha ang bitcoin natin kahit anong gawin ng bansang mananalo kung matuloy man ang giyera. So parang wala lang, tataas ang presyo parin dahil nasa bull run na tayo.
Regarding the war sa Middle East between Israel and Iran, sa pagkakaalam ko kasi ang Iran eh sinusuportahan ang kung sino mang group na lumalaban sa Israel, kung baga proxy war, pero ngayon wala nang proxy proxy, banatan na ang Israel ang Iran pero tigil rin muna sa ngayon.