Ganyan talaga sa pulitika, basta sakim sa kapangyarihan ayaw na magpaawat. Ubos nga agad pondo ng mga ahensya ng gobyerno natin, mapa Landbank, DBP, SSS, Philhealth pati iba pang mga ahensya. Grabe lang ang korapsyon ngayon tapos yung mga maiingay sa panahon ni Digong, nabusalan na ata ng pera sa bibig kaya tahimik. AT wala na din yung mga rally ng rally na "anak ng diktador" yung mga plakards. Sabagay, pana panahon naman yan at may kanya kanyang ganti naman yan kung hindi sa sarili nila, sa mga angkan naman nila kung ano ginawa nila sa sambayanan.
- Siguradong pagnaging presidente si Sarah baka mas matindi gawin ni Inday kesa sa ginawa ni Cory sa mga Marcos, kasi matindi yung ginawa at ginagawa ni BBM ngayon, sa halip na patunayang mali ang paratang ng mga tao sa mga Marcos ay baligtad ang nangyayari, ang pinapatunayan nya ay magnanakaw talaga ang mga Marcos, tapos ganid sa kapangyarihan. Tapos sobrang kawatan sa kaban ng bansa natin.
Nabudol talaga karamihan sa atin. Malakas si Sara kaso pinagbigyan na makaupo si BBM at running mate pa sa pagkapresidente, imbes na linisin ang history nila, mas lalo pa palang matindi. Nandiyan din si Martin at si Liza na sabi sabi sila talaga ang pangulo natin ngayon. Tsk.
- Mainam narin na ganito ang nangyari dahil nilantad ng Dios na totoo palang magnanakaw ang mga Marcos at sobrang kawatan sa pera ng kaban ng bayan, dati todo tanggol pa ako sa mga marcoses, ngayon sobrang sinusuka ko na sila, kitang-kita ang mga nilimas na pera ng mga ahensya ng gobyerno para sa bayan, sa philhealt tinangka mailabas ang 89bilyon pero 60 bilyon ang nailabas dahil napigilan ng supreme court, tapos yung AFP parang nasa 15bilyon ang binawas din, sa Deped na dapat ang pinakamalaki pero binawasan pa ng 12Bilyon, Yung 4p's binawasan din ng 50bilyon, nagbenta pa ng gold reserves natin worth 225bilyon, tapos maharlika fund sobrang tahimik na sila worth 125bilyon, ang pinakaworst pa na pagpapakita na walang pagmamalasakit sa mga pinoy ay hindi nagbigay ng subsidy sa philhealt.
Tapos dito naman sa China inaway nya dahil inuto-uto si BBM nung time na si Biden pa ang presidente ng US, ngayon si TRUMP na presidente ay ayaw ng gulo kaya inimvite si Xi gin Fi etsapwera ngayon tayo, dahil sa katangah*n ni BBM na pinayagan na magtayo g base militar sa bansa natin, nilagay nya ang mga mamamayang pinoy sa alanganin sa totoo lang. Sobrang sinungaling pa, pagiibayuhin parin daw ang edukasyon at priority parin nila ito, pano mangyayaring priority nya eh binawasan nga nya yung budget fund para sa DEPED, tapos inalis pa yung mga computer sa mga students, tapos priority parin daw nya yung kalusugan ng mga mamamayang pinoy gayong zero budget ang ginawa sa Philhealt, diba dito palang lantarang panloloko yung ginagawa nya sa mga pinoy. Sa totoo lang kawawa ang bansa natin ngayon dahil sa presidente na meron tayo ngayon, sana hindi parin tayo pabayaan ng Dios lalo na ang bansa natin.