Yan nga ang nangyayari ngayon, kaso dito, kaso doon pati mga congressman, party list at mga city officials, panay kasuhan nalang ang nangyayari. Tapos si Google, inalis na yung title na "West Philippine Sea" sa mapa kaya ano kaya ang masasabi ng mga nagcelebrate nito noong nakita nila sa mapa ni google. Dahil sa inalis na ni google baka magprotesta sila sa company na yan.
legally hindi naman talaga dapat south china sea ang tawag dyan pero ano ang itatawag ng mga hindi naman taga china o pilipinas? either way nagmumukhang political kahit pa na wala namang opinyon ang iba dyan
google is america owned so bakit kaya south china sea ang nakalagay lol makikita to sa google earth south china sea nga ang nakalagay
Pinalitan nila pero ilang araw naging WPS. Ang gulo lang talaga kapag teritoryo ang usapan ang daming mga pagbabago at madaming involved. Sobrang daming nangyayari sa politika dito sa bansa natin at parang wala ng kapayapaan, hindi nila unahin yung mga patayan na nangyayari kahit sikat at tirik ang araw para mabawasan naman ang pangamba ng mga taumbayan.
Mahirap asahan yang sa panahon ng administrasyon na ito dahil mismong kapulisan ay hindi katiwa-tiwala sa totoo lang, dahil inuuna ng mga officials natin ay puro mga pamumulitika at tirahin ng tirahin ng gobyerno ang mga du30.
tayong mismo na mga mamamayan nga wala tayong maramdaman na may kakampi tayo dahil mismong kapulisan, Nbi, AFP mga asong sunod-sunuran sa bangag na gobyernong ito na meron tayo.