manghuhuli na ba sila?
binance na lang ata ang hindi na-access ng US kaya pinag-iinitan pa rin hanggang ngayon. at ang SEC naman ng Pilipinas sunod-sunuran lang sa US.
baka naghihintay pa rin ng malaking offer ang mga tao dyan sa SEC mula sa binance. sayang din. duda ko lang naghihintay din sila na magpadala ng executives ang binance. nadala na sila. baka ikulong din natin gaya ng sa Nigeria. 
Tingin ko tama lang din naman ang ginagawa ng SEC, dahil nga unlicensed sila. Unfair nga naman sa mga locally registered at licensed. Pero sinabi naman ni binance na di nila iiwan ang PH market nila, baka nagkaroon na sila ng hakbang tungkol dito tapoa isang ulatan nanaman ng announcement. Kung sa nakulong naman, wala namang ganyan kabayan at sana di umabot sa ganyan.
Baka di pa nagkasundo sa "lagay" kabayan haha what I mean is pampadulas baka kasi may bisaya dito iba iisipin eh hahaha Anyways, yeah baka may niluluto sila ngayon na ikagugulat natin in the coming days or months mga kabayan at sana good news ang maririnig or mababasa natin soon sa announcement nila or else isang malaking dismaya nanaman if di talaga magkasundo. 😅
Yan nga iniisip ng marami tungkol diyan sa lagay lagay na yan. Wala na tayong magagawa kasi nakadikit na sa isipan natin yan dahil sa kurakot na gobyerno natin. Madami tuloy mga kababayan natin ang apektado pero wala tayong magagawa at kailangan nating lumabas ng patas kung ano man ang nasa batas pero sana huwag naman nila pagdamutan yung madaming pilipino ang nakikinabang kay binance dahil nakikinabang individually ang gobyerno sa kanila. Pero ganun pa man, antay nalang tayo habang wala pa silang advisory kung anong magiging lagay nila.
- Lahat ba ng ahensya ng gobyerno natin ay merong mga corrupt na mga opisyales? sa tingin ko naman walang ahensya ng gobyerno natin ang walang corrupt na opisyales lahat halos ng ahensya ay meron talaga. Yung pakinabang ng gobyerno natin sa binance ay hindi nila ito nakikita, kasi nga bulag sila sa katotohanan.
Hindi nila naisip na sa bawat transaction na gagawin ng mga crypto enthusiast sa gcash, maya or any bank companies na meron tayo dito sa bansa natin ay meron benefits parin yung gobyerno natin sa bagay na ganitong sitwasyon, at hindi talaga nila ito nakikita sobrang ignorante naman diba? parang maang-maangan na walang alam sa ngyayari sa palagid.