Gumagamit din ako ng Maya sa crypto at naghohold din ako diyan ng isang crypto lang pero hindi ganun kalakihan yung hinohold ko. Katulad ng problem mo, nabasa ko yang reklamo na yan sa ibang users parang parehas lang sila ng gcrypto kaya kapag sa malakihang holdings, iwas nalang sa dalawang platforms na yan.
Ok, unfortunately, hindi ko nabasa yun so may mga reklamo na pala.
Transfer ba ito ng bitcoin papasok sa Maya or palabas ng Maya? Kasi marami akong nababasa na wala naman problema ang Maya, lumalabas lang ang issue kapag nagkakaroon ng rally sa crypto price. Ngayon na nakikita natin ang market or ang Bitcoin mismo na biglang tumaas, which is saktong tumapat sa issue na nararanasan mo, malamang same yan sa ibang user na nag alisan sa Maya.
Papasok to sa Paymaya crypto ko. Wala naman rally nung last 3 weeks, ngayon pa lang na may konting rally. Tsaka dapat wala naman problema kung may rally kasi sa blockchain ang dami nang confirmation kayang imposibleng hindi pumasok sa kanila.
Nakakabahala naman kung ganyan kabayan lalo na kung emergency o naghold ka ng malaking pera dyan. Ako kasi hindi ko nasubukan maghold ng crypto sa maya o kahit sa Gcash kasi hindi ako comfortable sa kanilang security lalong-lalo na nung nabilataan ko na may mga issues yung Gcash, at may pera talaga ako na hindi ko na nakuha sa Gcash. Mas mabuti siguro na iwasan na maghold ng malaking pera dyan kasi incase na magkaroon ng problema ang kanilang app hindi tayo masyadong nababahala. Ginagamit ko lang talaga ang app na yan para makapagwithdraw through P2P na galing sa exchange.
Yun nga sabi ko sa support nila, paano kung emergency, kaya un-acceptable to bilang service provider sila. Siguro ang lessons eh talagang wag mag trust sa mga 3rd party na exchange kasi walan tayong control.
Hindi ko pa naman naranasan sa iilang beses na paggamit ko ng service nila. Parang bangko lang yung ginawa sa'yo ah na kailangan may ilang araw na clearing Hindi kaya nagpalit sila ng system at nagdagdag ng security? Baka nag-conduct na din sila ng review sa possible origin ng funds bago nila i-credit sa wallet mo. Kung tingin nila galing sa mixer yan, siguro confiscate nila at temp. ban account mo.
Hehehe, yun din naisip ko kung galing sa mixer baka ma ban account ko, pero hindi galing sa mixer or sa gambling ko. Pero ang siste nga eh 18 weeks na straight na walang issue, nitong last 2-3 weeks lang. Baka nga nagbago sila at hindi ko lang nabasa to.